Monday, April 17, 2006

Kay Ina (by Francis Moses C. Sarmiento)

. Hindi maipakita pero totoo
. Nagpapasalamat ako sa iYo
. BuhaY mo, walang kawangis
. Sinagupa ang buhaY kahit anong bangis
. Hindi kita makilatis
.
. Salamat sa iYo, ako’Y buo
. Ang pagmamahal mo; ako’Y iYo
. Sumusuporta ka sa lahat, alam mo,
. Ang himig ng buhaY ko
. Inawit mo
.
. Sana masaYa ka
. NgaYon, bukas, magmahal ka
. Pag-ibig ang bubuhaY
. Sa buhaY na walang kapantaY
. Ang buhaY mo
.
. Hindi ko mapagtanto
. Walang katulad na lakas mo
. Paano mo kinakaYa
. Problema ng buhaY
. Na dinadagok sa iYo
.
. Salamat talaga, ako’Y iYong kinilala
. Pagmamahal mo, wala ng hihigit pa
. BuhaY mo aY paparisan ko
. Aking Ina
. Mahal kita

No comments: