Friday, April 28, 2006

I LAB I LAB

I LAB I LAB
Takteng yan oh! Tama nga ako!
Well... Bagsak na naman ako sa test sa Phil His... Sosyal... 'Di ba?
Uy... Oo nga pala.... Kasal ngayon ng pinsan ko... Si KR... Good luck guys... Buntis na asawa niya... Wakokoko...
Kailan kaya ko makakabuntis? Sana 'yung mahal ko... Haay... Kaso ba't ganon? 'Yung mga mahal ko parang ayaw sa ken... Waah! 'Yung mga babae lang ha... Na minahal ko... I mean romantically... Pangit ba ko? Siguro oo... Pero ganun ba ko kapangit para hindi mahalin? Pangit ba ugali ko? Masamang tao ba ko? Sabi nila masaya naman daw ako kasama ah... Eh ba't ganun... Nakakaasar... Haay...
Mamaya maya STAT na naman.. Makikita ko na 'yung binagsak kong quiz kahapon... Shitness! Chenelin ka talaga Churva Ever! Wahaha!
Feeling ko hindi ako matutuloy bukas sa Beda... Haay... Ang dame kasi gagawin sa bahay eh... Ngayong wala na kameng katulong... Feeling ko ineexpect nila na I'm suppose to do all the work... Well, I am... So siguro hindi muna ako makakaalis ng bahay... Pero sana hindi...
Maglalaba ako mamaya paguwi... Pati ba 'yung kay Mama? Ayoko! Masyado madami! Hindi ko kaya! Grabe! Ano ba naman 'to! Napaka selfish ko!!!
Eh sa nakakapagod naman talaga eh!
Ngayong may susi na ako, hindi na ko mangangamba na hindi makapasok sa bahay at maghintay ng napakatagal! Alam niyo ba, kagabi, hindi ako nakapasok sa bahay until 9 pm! Kasi wala tao sa bahay at wala akong susi... 'Tas nung Tuesaday night, I stayed out of the house until 11pm! Grabe! Imaginin mo 'yun! From 7 to 11!!! Packing Sheet!
Hay nako... 4 minutes before three pa lang at 4 pa ang klase namen! Jusko! Mauubos ko na oras ko! 1 hour at 1 minute na la daw oh! Ayan 1 hour na lang! Good bye I LAB! I'll miss you!
Waah!!!

No comments: