PICC JUNE 3! WATTA DAY!!!
Yesterday must have been the most tiring day of my life yet... Grabe! Una sa lahat, gusto kong mag pasalamat kay Miko, na naguadition din...
Haha! Grabe talaga! Todohan nung June 3!
ok... ganito yan...
hehe... june 2... bago matapos ang gabe... nagtawagan kameng tatlo... ako, nette at miko... three way yun bale... kasi nga tatlo kame di ba? so yun nga... sabi ni nette hinid siya pinayagan or hindi makakapunta kasi may pinapagawa ata sa kanya? o bibili ng ulam kinaumagahan? so... kame na lang dalawa ni miko... date ito! bwahaha!
problem. hindi niya alam paano niya ako makokontak... so... tinanong ko si ate tessa... kung pede ko ba hiramin yung cell niya... oo daw... oh di ayos na... nanood pa ko ng buble gang nun bago natulog... so natulog na ko... that was the plan...
per hindi po ako nakatulog mga kaibigan... sobrang excitement ko, hinid ako nakatulog... nice noh? hehe.... inalarm ko yung landline phone at cellfon ng 4 am... at bago pa mag 4 tumayo na ko... inon ko ang pc at nagpatutog... napalakas ata, nagicng si uncle baby! waah! patay na! pinapatay niya sa ken... pagkapatay na pagkapatay ko, naligo na ko...
usapan namen ni miko 5 kame magkikita sa proj.3... sa supa sa tindahan... 5:30 na ko umabot... kawawa naman yun si miko... haay...
tas ayun na... nagpalod ako ng 30... at humingi ng malaking nova...
tas nagjeep na kame papuntang lrt2 anonas station... naglrt2 hanggang recto station... nakita namen ang beda...
tapos, pagkababa ng recto, naglakad hanggang lrt1 station... hindi ko alam kung anong station yun... hanggang vito cruz... so... vito cruz... sumakay kame ng orange na jeep... tas bumaba na kame... nilakad namen ang picc... mahaba na ang pila! gravah!
6:30 na nun... eh di pumila kame... once in a while may mga dumadating na camera... kinukunan ang mga nakapila... yung tao sa harap at likod ko mismo eh ininterview pa! so malamang makita pa ako sa tv nito!
tapos... hindi ko alam kung anong oras umandar ang pila... nag uno pa kame ni miko at kinain ang nova... wahehe... tapos may nagtatak na sa men ng number... 000614 ako... 615 si miko... nakikita ko pa rin nga sa kamay ko hanggang ngayon eh kahit na naligo na ako... ayoko ata burahin! hehe...
tapos... ayun na... umandar na ang pila... ang bagal! sobra... ewan ko kung anong oras na kame umabot sa loob ng picc! siguro mga pass twelve na nun...
nga pala! si juan paolo azul nakita ako sa pila... at kinuha niya sa akin yung pinapa print niya sa aken na lyrics ng to dance with my father again na kakantahin niya daw... so ayun na...
nasa loob na kame... wala akong xerox ng birth certificate ko... at wala rin akong xerox ng mga id... at hindi rin napirmahan ni mama ag application form ko... so ayun na... tinatakan nila yung mga pinasa kong mga requirements ng... w/o parent's consent... SOSYAL!
tapos pumasok na kame...
hinanap ko sila kristell at jr at at khaye... hindi ko sila nakita... so umupo na kame...
tapos nung may namimigay ng mineral water at pumipila ang mga tao... nakita ko na cla jr... wahehe... nasa likod pala sila ng tarpauline ni piolo pascual... wahaha! sabi ko kay miko dun kame...
wala palang upuan dun so kumuha pa kame ng upuan... tas dinala dun... so nakaupo na kame... kwentuhan...
tapos dumating na ang host ng philippine idol... nagikot ikot siya... pinapakanta niya ang mga contestants... katabi ko si jr nun... tapos nung sa side na namen si ryan agoncillo... ang host ng philippine idol, nag alisa sila... ako, ayoko umalis ksi gusto ko makita nga camera! wahaha!
eh nakita sila ni ryan agoncillo na umalis... hinabol niya ngayon si jr... wahaha! naghabulan sila sa buong hall! sabi ni ryan... "akala mo papatakasin kita ha! sige layo lang..." tapos sinisindan niya... tapos bumalik na si jr sa upuan niya (which is sa tabi ko)... eh ayun na... andun na si ryan agoncillo... AT ang mga camera! ayun na... ayaw pa kumanta ni jr pero pinilit sya... eh kumanta na siya! "long ago... blah blah blah..." hehe... ang saya!
tapos ayun na umalis na sila... hihi...
tapos naghintay... ganyan ganyan... tas kumain kame ni miko ng mga sandwich... hindi libre yun ah! libre ko siya! hehe...
tapos kumanta na sila jr at ate khaye... hindi daw sila natanggap... nag text na lang na uuwi na sila... tapos si kristell... oo daw... pasok daw siya... pero may 2nd audition pa... hindi ko na alam kung pumasok pa siya... wala na akong balita sana oo...
tapus nagsabi sila ramch at addi at iba pa na pupunta daw sila at yun nga... after how many hours... less than or more than an hour... hehe... dumating na sila!
tpos ayun na... haay... hintay hintay... pumunta ako kela paw... binabalitaan ko siya kung ano na nangyayari sa grupo ko... ayun...
tapos... sa wakas... pinapila na kame... kame na ang next... number 000406 ako...
tapos umakyat kame... pinaupo... ayun na... tapos nakita ko ung application nung nasa harap ko! naalala ko kailangan pala yun! grabe! tumakbo ako pababa!
tas kinuha ko na siya! tas takbo ule ako paakyat!
wahaha!
tapos umupo na ako... haay... tapos... ayun na... sobrang kaba... tapos dumating si miss pilita corales... ang cute nya... kasi may bagong labas na babae sa room ng audition at ang kinanta niya daw ay waray waray... aba! nag duet sila ni pilita! haha! katuwa! medyo nabawasan ang kaba ko ng onti!
tapos ako na... haay... grabe! ilan lang ang tao sa loob nung room... tapos may camera... tas sa likod ko may logo ng philippine idol... naubusan ng battery ang camera nila! so... wait lang daw muna... so kinausap muna nila ako nga onti... tanggal na kaba ko...
tas naayos na ang kanilang mga kagamitan...
so pinakanta na ako... so kumanta na ako...
" that you are mine... forever love... and you are watching over me from above... fly beyond to where you are beyong the distant star..."
"...ok na... isang kanta na lang..."
nung sinabi niya yun, sabi ok... pasok na... nagustuhan niya ata... so kanta ule ako...
"i see us in the park... strolling the summer days of imaginings in my head... and words from my heart... told only to the wind... felt even without being said... i don't wann bore you with... my trouble..."
"...ok... hinde..."
and i was like "whaat?!?!"
sabi niya "hindi"
sabi ko naman... wait... ito na next na conversation...
"bakit po?..."
"bakit?"
"kung pede lang pong malaman? kung pede ko lang pong itanong kung baket.."
"kasi wala kang pinagkaiba sa ibang nag audition... parang pareho lang..."
"ok... pede po bang isa kanta na lang.. kanta ako ng kanta ni carrie underwood"
"o cge... ikaw na ang nagsabi niyan ah... ikaw na ang nagrequest... dapat mapabilib mo kame..."
sabi ko... ay, wala na to... sobrang kaba ko nah... wala na talaga... pero kumanta pa din ako... and the moment i opened my mouth, wala na... sabi ko, i'm done...
"i've been down... now i'm blessed... i felt a revelation coming around..."
and there's the revelation! sobrang baba ng pagkakanta ko parang galing ilalim ng lupa... wahaha! natuwa nga ako eh! kaya ko pala yun! hehe... pero hindi natuwa ang dalawang judges... hehe
"hindi talga... sorry..."
"ok... thank you po..."
Ayun na... bumaba na ako... nakita ko si miko... sabi ko sa kanya...
"oh 'di sana may libreng sine ka"
"bakit? wala?"
"wala eh..."
kasi bago ako umakyat earlier that day, may pustahan kame... kung pasok ako, libre niya ko. kung hindi, libre ko siya... eh hindi na lang... kasi dagdag pressure sa ken... hehe... it could have been a good thing siguro noh? pero wla eh...
tapos sabi ko sa mga tao dun...
"uy guys... tapos na ba kayo? ... ang hinahanap nila kakaiba... mga kumakain ng buhay na manok... hehe... sabi sa ken kasi wala daw akong pinagkaiba sa iba... kaya ayun..."
tapos lumabas na kame ni miko... pero bago kame makalabas... inambush pa din ako ng mga tanong... hehe...
tapos... ayun...
pag labas... nag decide kameng mag mall of asia... hindi namin alam kung pano papunta dun... so... ayun... nagtanong kame... tapos naglakad... eventually, nag taxi din kame... hehe... saktong singkwenta... hehe... halos... actually, 47.25... eh ang next dun 50 na di ba? eh ilang segundo na lang mgiging singkwenta na din yun...
kaya ayun...
nung nasa loob na kame... hindi natuwa si miko... hindi daw siya impressed. parang judge lang ah...
nga pala... hindi ko na nakwento audition niya ah... sa kanya na lang kayo mag pa kwento...
so ayun... nasa loob kame... nag balak manood pero walang maganda... sabi ko manay po... ayaw niya eh... hehe...
so ikot ikot... ang LAKE! nakakapagod... bumili kame sa quickly... nakalimutan ko na ano binili ko... super choco loco ata... basta 60 pesos yun! mahal noh! ok lang masarap naman din eh...
tas ikot ikot ule... hinanap namen ang timezone... PANGIT!
tapos pumasok sa toykingdom... wala masyadong toys... hehe...
tapos umuwi na... hihi...
so... jeep papuntang lrt taft... tapos lrt... sobrang dameng tao!!!! as in!!!
when i was finally able to buy our tickets... sumakay na kame... at! grabe! puno agad ng tao ang tren! shetness! eh nadagdagan pa ng nadag dagan ng tao! oh eh di punung puno na talga!
tapos.. bumaba na... naglakad... naghiwalay kame ni miko sa gateway... ayun... nag thank you ako sa kanya sa pagsama... grabe... mag se seven na nun nung naghiwalay kame... past seven na nga ata eh...
so... naglakad na ko... papuntang sakayan ng jeep... bumili ako ng nestea... yung blue... yung ice ek ek... at akalain mong umulan!!! wahahah! ang lakas!
so... nag jeep na ko...
bumaba sa jp rizal... at baha! syet! so tumakbo ako... by the time na makasakay ako ng jeep eh basang basa na ang aking medyas! pati brief nga ata eh! syet talga!
tapos... bumaba ako s alabor bell... sakayan ng tricycle... syet! walang tricycle! so medyo nabasa basa muna ako... frustrated, kumanta ako! sobrang lakas! may mga tao dun! naririnig nila... inunahan ko na sila at sinabing:
"ang lakas lakas na nga pinapalakas pa eh noh?!"
tumawa sila...
so ayun... finally may dumating na tricycle!
pag dating ko sa roxas... ang street namen... nandun si papa... nagaabang ng jeep... ay! fx pala! nakapayong siya... nakipayong muna ako... sabi niya...
"basa ka na naman eh... takbuhin mo na!"
sabi ko...
"5 6 7 8..."
sabay takbo! hehe...
umabot ako sa bahay mga 8 30 na ata... ayun... bumabaha na...
tas ayun... hindi na ko kumain... hehe... tulog na ko agad pagkatapos mag ewan ni mama... hihi...
No comments:
Post a Comment