Fast track - SM Manila Leg
Haay! Grabe! Ang saya ule! Nakakaaliw! Hehe... Ang dame nangyari... Ok... Wala nang suspense... hindi pa din ako pumasok! Haha! Pero... masaya... Let me narrate...
Hehe...
So... Nagising ako ng 8am... umalis ako ng 9:30am... So Jeep to LRT2 Santolan Station... Baba sa Legarda Station... Lakad sa San Sebastian Church... (tama ba?) ... Sakay ng jeep papuntang SM Manila... Dumating ako dun ng mga 10:30... PACKING SHEET! And dameng tao! Hanggang labas ang pila! AT! Nakita ko si Justine... 'Yung kaibigan namen na taga Laco... Alam ko na na hindi aabot sa kanya ang pila and I'm right! Hindi nga siya nakapasok!
Sabi ko, hindi pe pwede 'to... So, pumasok ako sa loob... May kalbo na coordinator... Kinausap ko... sabi ko ako 'yung galing sa SM Sta Mesa... Tinanonng niya ko kung tinawagan daw ba ko kahapon. I was like WWHHHAAATTT??? Hala patay! so pano niya ako matatawagan eh wala naman ako cell... So... sabi ko na lang na nawala yung cell ko kaya hindi siguro ako na kontak... Sabi ko andun yung pangalan sa papel... Sabi niya wala daw papel! Kinakabahan na ko nun... Tapos... May nilabas siyang papel... Wahaha! Narecognize ko agad na yun yung papel na sinulatan namen ng mga pangalan namen... Tinuro ko agad yung pangalan ko! Pang number five ata yun! Hehe... Sabi niya... "Sige, hintayin mo ko sa Shakey's"... OK!
Pagdating ko dun... Andun na si Kristell, Si JR at Ate K... At meron pang mga iba na galing din sa SM Sta Mesa... Ayun na... Tapos dumating si Jane at Nica... Magkapatid yun... Lalake si Nica... Nicanor ang pangalan niya sa totoong buhay... Hehe...
Eh di tinawag kame lima lima... Binigyan kame ng ribbon na papel... May number... number 173 ako... Josko! Akala ko ba prioroty kame?! Eh ba't dulo na kame! Anyway... hanggang 178 ang mga contestants... so talagan ilan na lang dulo na pala talaga ako! GOD!
Kumain kame... After mga 3 hours... umakyat na kame ule... pumunta kameng backstage... binigyan kame ule ng mga totoo nang mga number... Nasaakin pa ngayon yung number!!! Yehey!!! Souveiner! (tama ba spelling?! ..haay bobo!)
Tapos kumanta ng pass two thirty...
Ang tagal! Nag-break after ng 90th na contestant... Yung mga ninty na contestan nagsulat pa nga ako sa diary ko kung sino ang tingin kong papasok at hindi eh... tapos titignan ko kung tam sana pag ina nounce na kung sino ang papalarin na mapipile... Eh hinid nangyare...
Pero teka! Bago mag start ang kantahan... ITO!
Dumating sila! Ang mga Taga Beda High School! Wahaha! Hehe... Sila...
Patrick Sacramento... Si Louie Fernandez ( na supposedly nasa States pero nageenrol kanina kasabay si...)... Dan Fuentebella... at siyempre... Nandun si Abdul Raffi Onos! YEHEY!!! After how many months! nagkita din kame! hindi din kame masyado nagusap kasi they had to go back to Beda kasi nga nageenrol yung dalawa... So ayun... Ang saya lang! Pumunta talga sila para sa ken... Or maybe not... Baka napadaan lang at nakita ako... Pero kahit na! Nakakatuwa pa din!
Tapos... Dumating naman sila...
Pinggoy... TJ See AT! Si Balawis!!! Haha! Si Paolo Galing po... Hehe... Umalis sila ule... Babalik na lang daw sila... Si Paolo daw nag absent sa PE... Naglaro sila ni Pinggoy... Tapos si TJ naman nag pa late... Hehe...
Tapos... Nung nasa second half na... ibig sabihin 91 and up na ang kumakanta... Dumating na sila ule! Grabe! Tawanan na kame ng tawanan! Wahehehe... Napaos pa nga ata ako eh...
Trinay pa namen na mag videoke... kaso nawala... nagtambol tambol na lang si Paolo... Hindi naman marunong! Wahaha!
Tapos bumaba kame ule! Tapos ayun... Hinintay na namen na ako na yung kumanta...Bago ako kumanta... Sila JR at Kristell muna... Ay... Mga kaibigan ko po sila na nakilala sa SM Sta. Mesa... Hehe... Atsaka si Ate K din... Nauna kumanta... Ang gagaleng nila promise!
Si Ate K... Kinanta niya yung I Love You ni Celine... Hindi po siya nakapasok... Si Kristelle stand up for love ng Destiny's naman ang kinanta... Hindi siya umabot sa Chorus. Nakakainis! pinahinto siya agad ng mga judges... Sayang! yun pa naman yung pinakamaganda niya! At si Kuya JR... Superstar ni Luther Vandross (tama ba spelling? haay... bobo tlaga!)... sobra galeng! Ang saya!
Ang saya lalo nung ako na! Wahahaha! Kinanta ko yung "to where you are" ni Josh! Wahaha! ito yung kinanta ko...
Who can say for certain... maybe you're still here... I feel you all around me... Your memories so clear... Deep in the stillness... I can here you speak... You're still an inspiration... Can it be?...
Tapos sabi na ng judges... "Thank you..."
Nakakainis! Hindi man lang ako pinaabot sa Chorus! Haay... Sabi ni Tj pagkalabas ko... Ang haba na daw kasi... Mahaba na ba? Haay... Ok lang naman daw... Pero kung saan maganda yun pa ang hindi ko nakanta! Kainis!
So... Pagkatapos ng lahat... bumaba kame para mag CR... Nag Stay sa FoodCourt Sandali... Pagkaakyat namen... Natawag na ang mga napili! Gravah! Pumasok agad sa isip ko... "hala! pano kung tanawag pala ako?" Pero siyempre nawala agad yun kasi nakita ko sila Kristell at kung natawag ako malamang nagingay na ang mga yun! Ang nakakatuwa, andun sa Stage si JR! Yehey! Hehe... Hinahanap ko si Billy pero wala sya sa stage... nakaupo siya sa mga bench... (Friend din po siya na nakilala sa SM Sta Mesa... Mabait yun... Smiling face... Hehe... Cute pa... 20 na pero mukhang 16... hehe)
Tapos hinintay namen kung sino yung 7 na matatawag... kung kasama ba si JR... Hindi siya kasali... Pero... May tatawagin pa sa radio (Love radio at Yes FM)... 8 na numbers pa... Pakinggan niyo naman Guys kung matatawag ang 169 bukas oh... That would be friday... June 2... ok? 169... Vergillio ewan... hehehe....
Ang saya! nag picture picture pa...
Ang saya lang! Kasi bago magstart... nagpapraktisan kame... Kame kame... si JR... Kristell at ate K... Ang galeng nila! Hehe... Ako wala lang... Nakakatuwa... Pag sumikat yung mga yun... hehe...
Sabi nga namen walang kalimutan eh... Tapos baka magkita kita ule sa June 3 sa PICC... Hehe...
Speaking of PICC... Sasama pa kaya si Nette? Eh sobrang aga nun eh... iniisip ko nga ako ang unang taong sasakay sa LRT2 sa Santolan station sa sabado... Anong oras ba unang biyahe nun? 5 ata di ba?
Kasi 6 magbubukas ang gate ng PICC para sa mga mag o audition... so pag 6 ka din dumating, ang dame nang tao... promise... baka nga may mga natulog pa dun eh! hehe.... kaya ayun... Ano Nette? Tawagan na lang kita mamaya ha... Oh Bukas... OK? ...maaga dapat para makapag mall of asia pa tayo pagkatapos... gusto ko din kasi makita eh... hehe... LAst na audition ko na sa Philippine Idol (for this year... pero sana makuha na ko ngayon para wala nang next year next year pa...) sa sabado kay todohan na!
Hehe...
Sa mga pumnta po... Salamat po ng madame... Hehe...
Tsaka pray naman kayo para sa ken oh... Sana makapasok ako... Sa Sabado... Last Chance ko na to ... (for this year... hehe)
Sige... Hindi pa ko nagbibihis ng lubusan eh... Nakahubad pa ko ngayon... OPS! pangtaas lang... kayo ha! gumugusto kayo ha!
Hehe! 'Til Next time!!!
No comments:
Post a Comment