Monday, June 26, 2006

...late at night.. i was reading some blog things...

...late at night.. i was reading some blog things...


mukhang gago yung title ko... ahehe... pinatern ko lang sa cool with you... hehe... 12:48 am na po... may klase pa ko mamaya... PE... eh 10 am pa naman yun eh... kaya eto pa ko...

nag ba blog hopping po ako... i read froilan's and guido's... madadagdag na sila sa reading lists ko... along with all the other blogs na nakalink sa ken... kayo din ha!

hehe...

at ngayun... may nabasa akong nakakaaliw na blog... friend siya ni guido... ang URL niya is...

at ito ang nakakaaliw na nabasa ko...

Akala ko ba original Pinoy superhero 'tong si Captain Barbell eh bakit parang second- rate trying hard copycat lang sya ni Superman? May DVD box set ata ang mga producers ng show kaya din na sila nahirapang mag-conceptualized at inisip na lang nilang i-pattern sa paborito kong palabas – Smallville! Hindi makatwirang Mars Ravelo's Captain Barbell ang pamagat nito dahil di naman nila sinunod yung orihinal na kwento nito sa komiks kung saan nakapulot si Teng ng walang kakwenta-kwentang lumang barbell na sa sandaling malinis ay may lumabas na genie, este, nakaroon sya ng alter-ego!



MAHIYA NAMAN KAYO SA FANS NG SMALLVILLE!


Nabagsakan ng "meteor" yung sinasakyang kotse ng parents ni Lana sa Smallville. Sa Captain Barbell, nabagsakan din yung karakter ni Pinky Amador na nanay naman ni Lea.


Gustong-gustong magkaanak nina Martha at Jonathan Kent pero di sila mabiyayaan. Out of nowhere, nakita nila ang batang si Clark na mula sa isang bumagsak na spaceship. Sa CB, gusting mag-ampon ni Gloria Sevilla dahil may sarili ng pamilya yung anak nilang si Ricky Davao. Sa daan, nakita nila ni Dante Rivero ang isang spaceship na may lamang bata at pinangalanan syang Teng.


Naging mutant ang nagka-contact sa nakaraang "meteor shower" sa Smallville. Sila yung nakaka-engkwentro ni Clark linggo-linggo. Mutants din ang kinalabasan ng nadaan ng "delubyo" sa Marravelos tulad ni Bubog. Sila yung makakaharap ni Captain Barbell araw-araw.


Kaibigan ni Clark si Chloe na merong gusto sa kanya. Ka-berks nila si Pete, isang negro. Kaibigan ni Teng si Kit (Camille Prats) na magkakaroon din ng gusto kay Teng. Barkada nila si Bobby, isang obese.


Na-in love si Clark kay Lana na girlfriend ni Whitney at ilang beses nyang nakabangga sa school. "It's you again!" ang dialogue ni Whitney. Na-in love si Teng kay Lea na meron ng boyfriend, si Jared (Jeremy Marquez) na lagi nyang nababangga sa school. "Ikaw na naman?" ang lagi nitong linya.


Nabangga ni Lex si Clark sa tulay pero si Clark pa ang sumagip sa nadisgrasyang si Lex. Naging kaibigan nya ang anak ng isang business tycoon, si Lionel Luthor. Nabundol ni Levi (Patrick Garcia) si Teng na nakabisikleta pero si Teng pa mismo ang sumagip dito. Anak sya ni Viel (Richard Gomez) na isa ring business tycoon. Parehong "mang-aagaw" ng lupain sina Lionel at Viel at mahilig sa chess!


Naghihinala ang mag-amang Luthor sa kakayahan ni Clark. Maghihinala pa lang ang mag-ama ka Teng sa mga susunod na episodes.


Favorite hang-out ni Clark ang barn dahil dito sya nakakapag-muni muni. Sa barn din ang bagsak ni Teng dahil ditto sya pinatira ni JackieLou Blanco.


Binugbog si Clark ni Whitney dahil sa pagiging close nito kay Lana. Iniwan syang nakasabit na parang scare crow sa palayan. Binugbog din si Teng ni Jared dahil sa selos. Iniwan sya sa isang basurahan.


Namatay si Jonathan habang kapiling ni Clark si Lana. Pinili ni Teng na pumunta sa paty ni Lea kahit binilinan syang samahan ang "ama" nya. Namatay ang karakter ni Dante Rivero.


Nagbaklas ng pinto ng kotse, nagbuhat ng traktora at torso, nagbaon ng malaking kahoy sa lupa ng walang kahira-hirap. Ginawa ni Clark. Ginaya rin sa mga eksena ni Teng.


Napaghahalata tuloy na super fans ns Smallville ang mga walang originaliting writers at directors ng bagong telefantasya ng Syete!



Maganda naman ang mga special effects at pagkaka-execute ng mga eksena tsaka high-definition yung kamerang ginamit kaya parang pelikula ang"feel" nito sa telebisyon pero hindi maikakailang kopya pa rin ang kwento nito! Pinoy na pinoy naman daw pero ibinibida pa nilang gawa sa Amerika ang costume nito na patterned rin naman sa Batman armour suit!



Unfair naman ata sa mga pobreng manonood ng Captain Barbell na isiping maganda ang istorya nito dahil hindi naman sa Smallville napupunta ang credit para rito!


Taas ng ratings dahil pinanindigan ang pangongopya! Tigas ng mukanyo!

so... what do you think... haay nako! kung alam lang ng buong pilipinas ang kagaguhang pinaggagagawa ng mga writers ng captain barbell na yan... diyosko ha!

haay... siguro dapat matulog na ako noh? hehe... sige po!

magsusulat na lang ako ng entry sa i-lab school bukas!

Friday, June 23, 2006

anatomy, nstp and chorale

anatomy, nstp and chorale


OHMIGOODNESS!!!

so ok... i just had my 7:30 to 12 noon class in antomy... so how many hours is that? you do the math. anyway, during the lec part, after the discussion, sir showed us our scores during the previous exam (that was june 20, i think). i received 27 over 30. our highest was 29 over thirty. 28 dapat ako kug hindi lang dahil sa putanginang integumentary system na yan! i wrote entegumentary. packing sheet! i was never good with spelling! read my diary and you'll see. josko! writing nga lang minsan dino double "L" ko pa eh! (teka, hindi nga ba? hindi naman 'di ba? oh crap!)

so anyway... after the lec, sir gave us a fifteen minute break which became 30. charm and i ate footlong. worth 35 pesos (ata). then came the lab... and then... martin volunteered (?) to have his blood sucked. i would have loved to suck it myself but our prof did. Sir Gonzales used a syringe. (ouch!) and then we did something something. about osmosis or something. AND THEN. they announced that we are going to have a surprise test. no, not just ordinary test. a test of pressure. ok... ganito.... the two profs created 6 stations with 5 questions each. the last station has two microscopes involved and the other stations either involved a visual thing or you will rely on your memory. and shEET! i think i sucked!!! you are given 1 minute for each station to answer all the cursed questions! i think i wasn't able to answer about ten questions. oh god!!!! so which makes it impossible for me to get a score of 20?!! oh pack!

over thirty siya. and according to the profs, only 8 passed. and im pretty sure im not one of them. the passing is 21, by the way. (70%) ...hindi ko alam na pede na pala malaman yung score agad kasi sir gonzales checked the test papers right after you finished your time.

DAMN DAMN DAMN!!!

anyway...

at 1:30, we're suppose to have our NSTP at the high school building - which is, for your information, about 300 meters away from the college campus. BUT! thanks to chorale, charm, renan and i won't have to attend the damn thing. HA! i don't know about renan but charm and i really won't. we'll study for the computer quiz we're having later at 4:30 pm. oh great, oh great! ha!

chorale will be having rehearsals every mondays and fridays at 4:30-6:00pm and during wednesdays during 3:00-6:00pm. AND! once every month, we will have a general assembly every sunday. this is for the preparation for the supposedly x'mas concert. ooh, concet! =)

hindi ako makaka attend ng practice every friday kasi nga may computer ako. and every wednesday, dadating ako ng 4:30 na. kasi may philosophy of humanity ako. ooh...

so i guess that settled...

katabi ko ngayon si jen (ex ni jared... on ni michael ngayun) at ang kanyang friend... don't know her name anyway...

i think aayain ko na si charm umalis... or maybe i'll surf the net a little more... opo... hindi na po ako nakakahiya ngayun... may kasama na po ako lage... si charm... kasi siya ang ka chorale ko... bakit hindi si renan? ah... ewan... kasi may iba siyang kaibigan. at malabong magkasundo kame... he's into men things... i'm into men...

haha! joke!

pero really... wala kasi ata kameng mapaguusapan nun... iba ang interests niya... iba ang humor niya... alam mo yun...

anyway... ano ba pake ko... at lalo na, ano ba pake niyo? hehe... 'di ba?

and oh, i decided not to attend 2NU17's NSTP. I think it's ridiculous. hehe. isa pa, senseless at tinatamand ako noh! hehe... at parang... ... ok... feeling ko pag nagsulat pa ko ng mas madami, i will have to delete this whole entry again. hehe... B-A-D-B-O-Y

sino kaya siya?? hm... anyone?

Thursday, June 22, 2006

whoo!

whoo!
this is the bad thing about having our internet connection back.
it's ten thirtyfive in the evening, i have a quiz tom on ana and yet i'm still awake and punching on my keyboard instead of studying! bad computer! bad computer!
any...
i found this happy birthday song in geocities and it's so funny! i had it posted in my profile! cool cool cool!!! haha! real funny! go watch it!
=)

putang inang callalily 'yan!

putang inang callalily 'yan!

hehe...

c lyrine kasi eh... masyadong obsess sa bandang yan... ano kaya nakita niya dyan? hay nako ka! pero malay natin! sumikat nga sila ng todo todo... eh ano ngayon!? ah ewan! basta hayaan na natin siya...

when was the last time i got so obsessed with someone or something? teka... si kath? maybe... some male figure... maybe... i dont know... when will i be obsessed again? i dont really know... i miss mam arlene... really... i said during second year high school retreat that i found my new best friend in her... and she embraced me... ooh...

i miss my high school friends... really... i'm doing well in college... well, not really well-well right now but i'm well because i have my college friends too... whom i'm not blockmates with this sem which makes it real hard! real real hard! i just hope something else was hard not college life. i would have enjoyed that more... i think? ok... control myself, right abdul?

i have to write everything i'm thinking right now because it's my only chance. today, at least. kasi mamayang gabe, malamang gagamitin na ito ni kuya at kahit pa hindi pa niya gamitin tong pc, i won't have time to type because i need to study. STUDY STUDY STUDY!!!

they are making college so hard for us! why do they have to do that? or are they? baka they are just doing their jobs. screw them! hehe... but really. it's real real real hard! ooohhh... i like that... hehe... eew!

7 units of health care... 5 units of anatomy and physiology. WOW!

hay nako! bukas meron daw kameng test. sa ana. every meeting may test. pakshit!

oo nga pala... ABDUL, PATRICK! may mga blogs ba sila LOUIS at DAN? ...wala ata kasi kung meron malamang na mention na ni Abdul sa blog niya... pero malay ko ba di ba? meron ba?

hay nako...

pinagdodorm ako ni mama... malapit daw sa trinity... yung walking distance lang daw... kasi pointless daw and pagdo dorm kung mamamasahe din naman ako papasok.... eh wala pa akong makita... kasi hindi pa naman ako naghahanap eh... hehe... maybe next week...

the reason why she wants me to find a dorm? kasi mag i iraq daw siya... hmm... at pinapalayas na kame ni uncle baby dito sa bahay niya... hmm... dahil yun sa gawain ni kuya marvin na aalis ng gabing gabi na at dadating ng mag uumaga na... hmm...

so... bakit pupunta si mama sa iraq? magtatrabaho daw siya... ano yun!? it sounds really weird to me. i mean, people going to iraq to work sounds weird to me. as far as i know, mahirap sila kasi nga pinagbobobomba sila ng US of A 'di ba? 'di ba? so baket pupunta dun si mama? at si kuya marvin? at si u-geene? may pera ba dun? hay nako! people! educate me! do you happen to know anything about people going to iraq because of the promising sight of money?!? josko! bahala sila! basta ba mapadalhan nila ako ng maraming pera eh!

so anyway... ang iniisip kong problema pag nag dorm ako... pano uniform ko... sino ang maglalaba? pano pag may assignment akong kailangan ng computer? kakailanganin ko pang mag rent... josko! ang gastos! feeling ko hindi ako mabubuhay! pero it would be fun talaga. i would enjoy that freedom!

hehe...

pero i have a strong feeling na hindi naman mangyayari ang dorm na yan eh... hehe...

anyway...

wala na akong maisip na isulat... hehe... so til next time na lang ulet!

Patrick... Belated!

Patrick... Belated!

I'm sorry... I'm really really sorry...

I'm not really a good firend, am I? Belated happy birthday anyway, Patrick. Sorry po talaga.

So ok... Naayos ang internet (along with our computer) kagabe. And I can't really use it that long because Kuya Marvin insisted that he needs to do some more configurations and set some more setting up ("Kailangan ko pang i-set 'yung ibang settings"). Whatever that means. Sowhat I was able to do is post on my tag board and comment on one of Abdul's blog.

I planned to call Abdul then ask for Patrick's telephone number but the phone was cut. Hindi daw po kame nagbayad ladies and gentlemen. And what my mother pisses me off is that 275 pesos lang daw ang hindi naman binayaran. My mother was like: "Putris! (not really the cursed she used) 275 lang! Parang mga gago! (not really sure if she used that curse)" Anyway... So, my next plan was to text Abdul through my mother's cellphone BUT my mother won't let me. So, I waited for her to sleep para magamit ko ang phone niya but unfortunately I was the one who slept first. GREAT!

So I'm sorry...

I just deleted the two perevious entries because I thought it was unnecessary (?) . So i just deleted them. Abdul did quote some parts of my entry and it's ok. Honestly, dun ko pa nga nalaman na birthday ni Patrick yesterday.

And I visited Patricks blog... And I was surprised to find out na hindi na pala siya puro poems lang! I don't know my friends anymore... Louie has a partner? For 2 years?!? Nakakahiya ako... But I don't think Louie knows me anymore too. So shoul that be a good thing?!? NO!

Abdul did this so I think it's ok for me to do it too... Patrick's blog is really a good read but I rmember him telling me once not to link it to my blog. So...

I quote Patrick:

"...Something pesky is stucked within the day of my yesterday. For one I was jaded, I slept at around 2am. Abdul and I were chatting on phone, talking about some issues about OBLIGATIONS AND CONTRACTS segwaying to a one-hour discussion on men or at least boys... We have come to terms that the PERFECT MAN is gay. (As defined in a concise fahion: he who is fit, attractive, sensitive, responsible and loving!)..."

And if I was in that conversation too... In a three way call or something... I simply would have agreed...

My mother needs to chat now so...

'Til next time!

Friday, June 09, 2006

Oh boy...

Oh boy...


Hello you guys...

I read Kits blog a while ago... And we YM chatted for the first time a few minutes ago...

AND

I wrote at my 5th diary for the first time... The heading was:

June 9, 2006
11:16 pm

This will be fun. I'm sure. Dead sure!

New experiences, new challenges, new revelations, new memories to be kept, new heart warming occasions, new lung popping laughs, same old me...

Oh boy...

This would be really fun!!!

Thursday, June 08, 2006

Check this out, check this out, CHECK THIS OUT!

Check this out, check this out, CHECK THIS OUT!


I was surfing the net yesterdy (like every single day since we had a DSL connection) and I was browsing friendster accounts when I came across this account... And I was like... "shet shet shet shet shet! hot hot hot hot hot!!!"

The account I'm talking about here is... well, their account's URL is...



Now, you can check it out yourself!

Go on...

Nakakainggit!!!!

Hehehe...

At nakakahiya 'to...

SHET!

Wala na ko pake!

Wednesday, June 07, 2006

Francis' Diary (Book 5)

Francis' Diary (Book 5)


Yes guys, I'm on my 5th diary now... I wrote my final entry earlier this day, before I ate my lunch. So, my fourth diary is officially done! Thanks again to Aefril for her gift. Thank you, thank you, thank you!

So, yesterday, after taking the exam (ABCTE - the one where you are supposedly going to be paid for taking it) at Makati and eating at G4 (oohh... sounds good) then later watching Manay Po, I bought my all new diary. I bought it at National Bookstore, still at G4 (I just love writing that!), along with other things such as our 4th joint diary. Can you believe it guys?! We are actually on our fourth joint diary!!! Woohoo! This means new excitement, new drama, new laughter, new thrills, new tears, (ooh, that rhymed!) ang new episodes or maybe even seasons of our lives! I miss you two!!! YNA! AHLLY!!! Musta na kayo?!

Well, see you on the 13th, I guess.

Anyway...

I read Yna's tag-board a while ago. And low-and-behold! Aefril's name is in there and she was actually reactin on one of Yna's entries. This means people are really reading things ang taking them in!

Well, I already proved that with Mr. Baoas... Sorry again Sir... Like I promised, it won't happen again. I better watch out with the things that I'll be writing then.

Hey! It's been a long time since I wrote in pure English. Wow!

You why I was avoiding to write in English? Kasi baka puro grammatical errors eh...

So there...

Well, I think that's it for now...

I'm really excited for this coming tuesday. As far I know, I don't know any of my classmates for this semester. Poor me.

I better prepare myself. In what ways, I don't know how. Sigh.

Sunday, June 04, 2006

PICC JUNE 3! WATTA DAY!!!

PICC JUNE 3! WATTA DAY!!!


Yesterday must have been the most tiring day of my life yet... Grabe! Una sa lahat, gusto kong mag pasalamat kay Miko, na naguadition din...
Haha! Grabe talaga! Todohan nung June 3!

ok... ganito yan...


hehe... june 2... bago matapos ang gabe... nagtawagan kameng tatlo... ako, nette at miko... three way yun bale... kasi nga tatlo kame di ba? so yun nga... sabi ni nette hinid siya pinayagan or hindi makakapunta kasi may pinapagawa ata sa kanya? o bibili ng ulam kinaumagahan? so... kame na lang dalawa ni miko... date ito! bwahaha!

problem. hindi niya alam paano niya ako makokontak... so... tinanong ko si ate tessa... kung pede ko ba hiramin yung cell niya... oo daw... oh di ayos na... nanood pa ko ng buble gang nun bago natulog... so natulog na ko... that was the plan...


per hindi po ako nakatulog mga kaibigan... sobrang excitement ko, hinid ako nakatulog... nice noh? hehe.... inalarm ko yung landline phone at cellfon ng 4 am... at bago pa mag 4 tumayo na ko... inon ko ang pc at nagpatutog... napalakas ata, nagicng si uncle baby! waah! patay na! pinapatay niya sa ken... pagkapatay na pagkapatay ko, naligo na ko...

usapan namen ni miko 5 kame magkikita sa proj.3... sa supa sa tindahan... 5:30 na ko umabot... kawawa naman yun si miko... haay...

tas ayun na... nagpalod ako ng 30... at humingi ng malaking nova...

tas nagjeep na kame papuntang lrt2 anonas station... naglrt2 hanggang recto station... nakita namen ang beda...

tapos, pagkababa ng recto, naglakad hanggang lrt1 station... hindi ko alam kung anong station yun... hanggang vito cruz... so... vito cruz... sumakay kame ng orange na jeep... tas bumaba na kame... nilakad namen ang picc... mahaba na ang pila! gravah!

6:30 na nun... eh di pumila kame... once in a while may mga dumadating na camera... kinukunan ang mga nakapila... yung tao sa harap at likod ko mismo eh ininterview pa! so malamang makita pa ako sa tv nito!

tapos... hindi ko alam kung anong oras umandar ang pila... nag uno pa kame ni miko at kinain ang nova... wahehe... tapos may nagtatak na sa men ng number... 000614 ako... 615 si miko... nakikita ko pa rin nga sa kamay ko hanggang ngayon eh kahit na naligo na ako... ayoko ata burahin! hehe...

tapos... ayun na... umandar na ang pila... ang bagal! sobra... ewan ko kung anong oras na kame umabot sa loob ng picc! siguro mga pass twelve na nun...

nga pala! si juan paolo azul nakita ako sa pila... at kinuha niya sa akin yung pinapa print niya sa aken na lyrics ng to dance with my father again na kakantahin niya daw... so ayun na...

nasa loob na kame... wala akong xerox ng birth certificate ko... at wala rin akong xerox ng mga id... at hindi rin napirmahan ni mama ag application form ko... so ayun na... tinatakan nila yung mga pinasa kong mga requirements ng... w/o parent's consent... SOSYAL!

tapos pumasok na kame...

hinanap ko sila kristell at jr at at khaye... hindi ko sila nakita... so umupo na kame...


tapos nung may namimigay ng mineral water at pumipila ang mga tao... nakita ko na cla jr... wahehe... nasa likod pala sila ng tarpauline ni piolo pascual... wahaha! sabi ko kay miko dun kame...

wala palang upuan dun so kumuha pa kame ng upuan... tas dinala dun... so nakaupo na kame... kwentuhan...

tapos dumating na ang host ng philippine idol... nagikot ikot siya... pinapakanta niya ang mga contestants... katabi ko si jr nun... tapos nung sa side na namen si ryan agoncillo... ang host ng philippine idol, nag alisa sila... ako, ayoko umalis ksi gusto ko makita nga camera! wahaha!


eh nakita sila ni ryan agoncillo na umalis... hinabol niya ngayon si jr... wahaha! naghabulan sila sa buong hall! sabi ni ryan... "akala mo papatakasin kita ha! sige layo lang..." tapos sinisindan niya... tapos bumalik na si jr sa upuan niya (which is sa tabi ko)... eh ayun na... andun na si ryan agoncillo... AT ang mga camera! ayun na... ayaw pa kumanta ni jr pero pinilit sya... eh kumanta na siya! "long ago... blah blah blah..." hehe... ang saya!

tapos ayun na umalis na sila... hihi...

tapos naghintay... ganyan ganyan... tas kumain kame ni miko ng mga sandwich... hindi libre yun ah! libre ko siya! hehe...


tapos kumanta na sila jr at ate khaye... hindi daw sila natanggap... nag text na lang na uuwi na sila... tapos si kristell... oo daw... pasok daw siya... pero may 2nd audition pa... hindi ko na alam kung pumasok pa siya... wala na akong balita sana oo...
tapus nagsabi sila ramch at addi at iba pa na pupunta daw sila at yun nga... after how many hours... less than or more than an hour... hehe... dumating na sila!
tpos ayun na... haay... hintay hintay... pumunta ako kela paw... binabalitaan ko siya kung ano na nangyayari sa grupo ko... ayun...

tapos... sa wakas... pinapila na kame... kame na ang next... number 000406 ako...

tapos umakyat kame... pinaupo... ayun na... tapos nakita ko ung application nung nasa harap ko! naalala ko kailangan pala yun! grabe! tumakbo ako pababa!

tas kinuha ko na siya! tas takbo ule ako paakyat!

wahaha!

tapos umupo na ako... haay... tapos... ayun na... sobrang kaba... tapos dumating si miss pilita corales... ang cute nya... kasi may bagong labas na babae sa room ng audition at ang kinanta niya daw ay waray waray... aba! nag duet sila ni pilita! haha! katuwa! medyo nabawasan ang kaba ko ng onti!

tapos ako na... haay... grabe! ilan lang ang tao sa loob nung room... tapos may camera... tas sa likod ko may logo ng philippine idol... naubusan ng battery ang camera nila! so... wait lang daw muna... so kinausap muna nila ako nga onti... tanggal na kaba ko...

tas naayos na ang kanilang mga kagamitan...

so pinakanta na ako... so kumanta na ako...

" that you are mine... forever love... and you are watching over me from above... fly beyond to where you are beyong the distant star..."

"...ok na... isang kanta na lang..."

nung sinabi niya yun, sabi ok... pasok na... nagustuhan niya ata... so kanta ule ako...

"i see us in the park... strolling the summer days of imaginings in my head... and words from my heart... told only to the wind... felt even without being said... i don't wann bore you with... my trouble..."

"...ok... hinde..."

and i was like "whaat?!?!"

sabi niya "hindi"

sabi ko naman... wait... ito na next na conversation...

"bakit po?..."


"bakit?"

"kung pede lang pong malaman? kung pede ko lang pong itanong kung baket.."

"kasi wala kang pinagkaiba sa ibang nag audition... parang pareho lang..."

"ok... pede po bang isa kanta na lang.. kanta ako ng kanta ni carrie underwood"

"o cge... ikaw na ang nagsabi niyan ah... ikaw na ang nagrequest... dapat mapabilib mo kame..."

sabi ko... ay, wala na to... sobrang kaba ko nah... wala na talaga... pero kumanta pa din ako... and the moment i opened my mouth, wala na... sabi ko, i'm done...

"i've been down... now i'm blessed... i felt a revelation coming around..."
and there's the revelation! sobrang baba ng pagkakanta ko parang galing ilalim ng lupa... wahaha! natuwa nga ako eh! kaya ko pala yun! hehe... pero hindi natuwa ang dalawang judges... hehe

"hindi talga... sorry..."

"ok... thank you po..."

Ayun na... bumaba na ako... nakita ko si miko... sabi ko sa kanya...

"oh 'di sana may libreng sine ka"

"bakit? wala?"

"wala eh..."


kasi bago ako umakyat earlier that day, may pustahan kame... kung pasok ako, libre niya ko. kung hindi, libre ko siya... eh hindi na lang... kasi dagdag pressure sa ken... hehe... it could have been a good thing siguro noh? pero wla eh...

tapos sabi ko sa mga tao dun...

"uy guys... tapos na ba kayo? ... ang hinahanap nila kakaiba... mga kumakain ng buhay na manok... hehe... sabi sa ken kasi wala daw akong pinagkaiba sa iba... kaya ayun..."

tapos lumabas na kame ni miko... pero bago kame makalabas... inambush pa din ako ng mga tanong... hehe...

tapos... ayun...


pag labas... nag decide kameng mag mall of asia... hindi namin alam kung pano papunta dun... so... ayun... nagtanong kame... tapos naglakad... eventually, nag taxi din kame... hehe... saktong singkwenta... hehe... halos... actually, 47.25... eh ang next dun 50 na di ba? eh ilang segundo na lang mgiging singkwenta na din yun...


kaya ayun...


nung nasa loob na kame... hindi natuwa si miko... hindi daw siya impressed. parang judge lang ah...

nga pala... hindi ko na nakwento audition niya ah... sa kanya na lang kayo mag pa kwento...

so ayun... nasa loob kame... nag balak manood pero walang maganda... sabi ko manay po... ayaw niya eh... hehe...

so ikot ikot... ang LAKE! nakakapagod... bumili kame sa quickly... nakalimutan ko na ano binili ko... super choco loco ata... basta 60 pesos yun! mahal noh! ok lang masarap naman din eh...

tas ikot ikot ule... hinanap namen ang timezone... PANGIT!

tapos pumasok sa toykingdom... wala masyadong toys... hehe...
tapos umuwi na... hihi...

so... jeep papuntang lrt taft... tapos lrt... sobrang dameng tao!!!! as in!!!
when i was finally able to buy our tickets... sumakay na kame... at! grabe! puno agad ng tao ang tren! shetness! eh nadagdagan pa ng nadag dagan ng tao! oh eh di punung puno na talga!


tapos.. bumaba na... naglakad... naghiwalay kame ni miko sa gateway... ayun... nag thank you ako sa kanya sa pagsama... grabe... mag se seven na nun nung naghiwalay kame... past seven na nga ata eh...

so... naglakad na ko... papuntang sakayan ng jeep... bumili ako ng nestea... yung blue... yung ice ek ek... at akalain mong umulan!!! wahahah! ang lakas!

so... nag jeep na ko...

bumaba sa jp rizal... at baha! syet! so tumakbo ako... by the time na makasakay ako ng jeep eh basang basa na ang aking medyas! pati brief nga ata eh! syet talga!

tapos... bumaba ako s alabor bell... sakayan ng tricycle... syet! walang tricycle! so medyo nabasa basa muna ako... frustrated, kumanta ako! sobrang lakas! may mga tao dun! naririnig nila... inunahan ko na sila at sinabing:

"ang lakas lakas na nga pinapalakas pa eh noh?!"

tumawa sila...

so ayun... finally may dumating na tricycle!

pag dating ko sa roxas... ang street namen... nandun si papa... nagaabang ng jeep... ay! fx pala! nakapayong siya... nakipayong muna ako... sabi niya...

"basa ka na naman eh... takbuhin mo na!"

sabi ko...

"5 6 7 8..."

sabay takbo! hehe...

umabot ako sa bahay mga 8 30 na ata... ayun... bumabaha na...


tas ayun... hindi na ko kumain... hehe... tulog na ko agad pagkatapos mag ewan ni mama... hihi...

Thursday, June 01, 2006

Fast track - SM Manila Leg

Fast track - SM Manila Leg

Haay! Grabe! Ang saya ule! Nakakaaliw! Hehe... Ang dame nangyari... Ok... Wala nang suspense... hindi pa din ako pumasok! Haha! Pero... masaya... Let me narrate...

Hehe...

So... Nagising ako ng 8am... umalis ako ng 9:30am... So Jeep to LRT2 Santolan Station... Baba sa Legarda Station... Lakad sa San Sebastian Church... (tama ba?) ... Sakay ng jeep papuntang SM Manila... Dumating ako dun ng mga 10:30... PACKING SHEET! And dameng tao! Hanggang labas ang pila! AT! Nakita ko si Justine... 'Yung kaibigan namen na taga Laco... Alam ko na na hindi aabot sa kanya ang pila and I'm right! Hindi nga siya nakapasok!

Sabi ko, hindi pe pwede 'to... So, pumasok ako sa loob... May kalbo na coordinator... Kinausap ko... sabi ko ako 'yung galing sa SM Sta Mesa... Tinanonng niya ko kung tinawagan daw ba ko kahapon. I was like WWHHHAAATTT??? Hala patay! so pano niya ako matatawagan eh wala naman ako cell... So... sabi ko na lang na nawala yung cell ko kaya hindi siguro ako na kontak... Sabi ko andun yung pangalan sa papel... Sabi niya wala daw papel! Kinakabahan na ko nun... Tapos... May nilabas siyang papel... Wahaha! Narecognize ko agad na yun yung papel na sinulatan namen ng mga pangalan namen... Tinuro ko agad yung pangalan ko! Pang number five ata yun! Hehe... Sabi niya... "Sige, hintayin mo ko sa Shakey's"... OK!

Pagdating ko dun... Andun na si Kristell, Si JR at Ate K... At meron pang mga iba na galing din sa SM Sta Mesa... Ayun na... Tapos dumating si Jane at Nica... Magkapatid yun... Lalake si Nica... Nicanor ang pangalan niya sa totoong buhay... Hehe...

Eh di tinawag kame lima lima... Binigyan kame ng ribbon na papel... May number... number 173 ako... Josko! Akala ko ba prioroty kame?! Eh ba't dulo na kame! Anyway... hanggang 178 ang mga contestants... so talagan ilan na lang dulo na pala talaga ako! GOD!

Kumain kame... After mga 3 hours... umakyat na kame ule... pumunta kameng backstage... binigyan kame ule ng mga totoo nang mga number... Nasaakin pa ngayon yung number!!! Yehey!!! Souveiner! (tama ba spelling?! ..haay bobo!)

Tapos kumanta ng pass two thirty...

Ang tagal! Nag-break after ng 90th na contestant... Yung mga ninty na contestan nagsulat pa nga ako sa diary ko kung sino ang tingin kong papasok at hindi eh... tapos titignan ko kung tam sana pag ina nounce na kung sino ang papalarin na mapipile... Eh hinid nangyare...
Pero teka! Bago mag start ang kantahan... ITO!

Dumating sila! Ang mga Taga Beda High School! Wahaha! Hehe... Sila...
Patrick Sacramento... Si Louie Fernandez ( na supposedly nasa States pero nageenrol kanina kasabay si...)... Dan Fuentebella... at siyempre... Nandun si Abdul Raffi Onos! YEHEY!!! After how many months! nagkita din kame! hindi din kame masyado nagusap kasi they had to go back to Beda kasi nga nageenrol yung dalawa... So ayun... Ang saya lang! Pumunta talga sila para sa ken... Or maybe not... Baka napadaan lang at nakita ako... Pero kahit na! Nakakatuwa pa din!

Tapos... Dumating naman sila...

Pinggoy... TJ See AT! Si Balawis!!! Haha! Si Paolo Galing po... Hehe... Umalis sila ule... Babalik na lang daw sila... Si Paolo daw nag absent sa PE... Naglaro sila ni Pinggoy... Tapos si TJ naman nag pa late... Hehe...
Tapos... Nung nasa second half na... ibig sabihin 91 and up na ang kumakanta... Dumating na sila ule! Grabe! Tawanan na kame ng tawanan! Wahehehe... Napaos pa nga ata ako eh...

Trinay pa namen na mag videoke... kaso nawala... nagtambol tambol na lang si Paolo... Hindi naman marunong! Wahaha!

Tapos bumaba kame ule! Tapos ayun... Hinintay na namen na ako na yung kumanta...Bago ako kumanta... Sila JR at Kristell muna... Ay... Mga kaibigan ko po sila na nakilala sa SM Sta. Mesa... Hehe... Atsaka si Ate K din... Nauna kumanta... Ang gagaleng nila promise!

Si Ate K... Kinanta niya yung I Love You ni Celine... Hindi po siya nakapasok... Si Kristelle stand up for love ng Destiny's naman ang kinanta... Hindi siya umabot sa Chorus. Nakakainis! pinahinto siya agad ng mga judges... Sayang! yun pa naman yung pinakamaganda niya! At si Kuya JR... Superstar ni Luther Vandross (tama ba spelling? haay... bobo tlaga!)... sobra galeng! Ang saya!


Ang saya lalo nung ako na! Wahahaha! Kinanta ko yung "to where you are" ni Josh! Wahaha! ito yung kinanta ko...

Who can say for certain... maybe you're still here... I feel you all around me... Your memories so clear... Deep in the stillness... I can here you speak... You're still an inspiration... Can it be?...

Tapos sabi na ng judges... "Thank you..."

Nakakainis! Hindi man lang ako pinaabot sa Chorus! Haay... Sabi ni Tj pagkalabas ko... Ang haba na daw kasi... Mahaba na ba? Haay... Ok lang naman daw... Pero kung saan maganda yun pa ang hindi ko nakanta! Kainis!

So... Pagkatapos ng lahat... bumaba kame para mag CR... Nag Stay sa FoodCourt Sandali... Pagkaakyat namen... Natawag na ang mga napili! Gravah! Pumasok agad sa isip ko... "hala! pano kung tanawag pala ako?" Pero siyempre nawala agad yun kasi nakita ko sila Kristell at kung natawag ako malamang nagingay na ang mga yun! Ang nakakatuwa, andun sa Stage si JR! Yehey! Hehe... Hinahanap ko si Billy pero wala sya sa stage... nakaupo siya sa mga bench... (Friend din po siya na nakilala sa SM Sta Mesa... Mabait yun... Smiling face... Hehe... Cute pa... 20 na pero mukhang 16... hehe)

Tapos hinintay namen kung sino yung 7 na matatawag... kung kasama ba si JR... Hindi siya kasali... Pero... May tatawagin pa sa radio (Love radio at Yes FM)... 8 na numbers pa... Pakinggan niyo naman Guys kung matatawag ang 169 bukas oh... That would be friday... June 2... ok? 169... Vergillio ewan... hehehe....

Ang saya! nag picture picture pa...

Ang saya lang! Kasi bago magstart... nagpapraktisan kame... Kame kame... si JR... Kristell at ate K... Ang galeng nila! Hehe... Ako wala lang... Nakakatuwa... Pag sumikat yung mga yun... hehe...

Sabi nga namen walang kalimutan eh... Tapos baka magkita kita ule sa June 3 sa PICC... Hehe...


Speaking of PICC... Sasama pa kaya si Nette? Eh sobrang aga nun eh... iniisip ko nga ako ang unang taong sasakay sa LRT2 sa Santolan station sa sabado... Anong oras ba unang biyahe nun? 5 ata di ba?

Kasi 6 magbubukas ang gate ng PICC para sa mga mag o audition... so pag 6 ka din dumating, ang dame nang tao... promise... baka nga may mga natulog pa dun eh! hehe.... kaya ayun... Ano Nette? Tawagan na lang kita mamaya ha... Oh Bukas... OK? ...maaga dapat para makapag mall of asia pa tayo pagkatapos... gusto ko din kasi makita eh... hehe... LAst na audition ko na sa Philippine Idol (for this year... pero sana makuha na ko ngayon para wala nang next year next year pa...) sa sabado kay todohan na!

Hehe...

Sa mga pumnta po... Salamat po ng madame... Hehe...

Tsaka pray naman kayo para sa ken oh... Sana makapasok ako... Sa Sabado... Last Chance ko na to ... (for this year... hehe)

Sige... Hindi pa ko nagbibihis ng lubusan eh... Nakahubad pa ko ngayon... OPS! pangtaas lang... kayo ha! gumugusto kayo ha!

Hehe! 'Til Next time!!!