Mahal?
(kay K. F. S.)
Ni: Francis Moses C. Sarmiento
Ang puso nga’y tunay na ‘di maaaring turuan
Subalit ito’y puwedeng-puwedeng pigilan
Masakit nga ito subalit nararapat
Kung ang puso mo naman ay hindi sapat
Sa puso niyang wala pang kasugat-sugat
Mahalin mo siya ng buong puso mo
Ngunit paano kung ang kanya’y ‘di totoo
Mabuti na lamang na palayain siya
Kung alam mong siya ay sasaya
Durugin ang puso upang siya ay lumigaya?
Ang dinig mo ay mahal ka rin niya
Iyon ba ang iyong nadarama?
Mahirap tanggapin na siya’y nagpapanggap
Kung tuwing magkamasama’y tila nasa alapaap
At parang ito’y katuparan ng lahat ng pangarap
Paano niya nagawang paniwalain ka?
At ganon ka ba katanga para ikaw ay maniwala?
Mahal mo siya, mahal ka rin daw niya
Sa mga salita niya, dapat bang sumaya ka na?
Kung iba naman ang kanyang ipinadarama
Pigilan ang pusong tuluyan pang magmahal
Pareho naman pala kayong nasasakal
Batid naman niya na mahal mo siya
At ikaw, alam mong baliktad ang kanya
Sana siya ay lumigaya

No comments:
Post a Comment