I have a feeling na dahil sa ginagawa kong 'to, hindi malayong mawalan ako ng kaibigan. I mean, mawala lahat ng kaibigan ko.
Mamaya-maya maliligo na ako at mamaya -maya pa ng onti, mag-eenroll na ako. Andun na si Ahlly at Arvee. Sana hindi nila ako hinihintay. Nakakahiya. Ano na lang na naman ang iisipin ni Jako? Na nagpapaimportante ako sa mahal niya? Sinabihan ko naman sila na hindi ako sasabay sa kanila eh. Sinabihan ko si Liz na sabihin sa kanila. So sana talaga hindi nila ako hinihintay ngayon kasi masyado nang nakakahiya.
Pero kung hinihintay nila ako at mamaya eh magkakasabay-sabay kame, eh 'di ok lang. 'Yun yung gusto nila eh. May magagawa pa ba ako. Oh, baka na naman napipilitan lang ako ang nasa isip niyo ha! Bahala na lang kayo kung ano iniisip niyo. Basta ako, bangag bangag ako ngayon at hindi ko talaga iniisip kung ano mga pinag-gagagawa ko. Ewan ko ko ba kung bakit. Simula nung maging April, kung anu-ano na pinag-gagagawa ko sa buhay ko. Tama nga si Jako, dapat ayusin ko buhay ko!
Nakakahiya kay Liz. Nakita niya pa na umiiyak ako kagabe... Talagang winebcam ko para makita niya na namamaga-maga na mata ko kakaiya. Ano, drama ko lang na naman 'yun? Na nag web cam lang ako para makita ni Liz? Ano ba 'yun? ...Pero malay natiin 'yun talaga ginawa ko.
Sige... kakain na ako at maliligo. Para naman kung sakaling hinihintay ako nila Ahlly dun eh hindi masyado nakakahiya. Pero nakakahiya na talaga! Sana may mga kaibigan pa ko... Sa Trinity at least... Sabi ni Liz sa ken kagabe: "You know I'm always here, right?"
So siguro nga may kaibigan pa ko... Ang bobo ko kasi eh...
Nga pala... Jessie, salamat sa pagkausap mo sa 'ken kagabe ah. Kahit alam kong super busy ka. Salamat talaga. Miss ko na 'yung mga madamdamin at masinsinang pag-uusap natin sa mga jeep at FX. Huwag ka alala, para sa 'yo ipo-post ko na 'yung mga ibang senseless poems ko. (Don't worry Sir Baoas, no more Baoasity po...)
Thank you sa inyong lahat!!!
No comments:
Post a Comment