Saturday, February 03, 2007

Para kay Ate Luisa...

Dahil sa sobrang talaga namang nag umeffort pa si Ate Luisa sa pag te text sa ken kung ano nangyayari sa aken at hindi na ako nag a update sa blog ko... Eh eto ako ngayon... After more than a month! Woohoo!!! I'm blogging again... Froi and Abdul are looking for an update too... kaya naman eto na ang inyong pinakaasam asam! (feeling ko naman?!)

I've been busy... And tired... Or lazy... Kaya wala akong mga updates... But I am keeping a planner naman eh... From Go Nuts... I don't have the money to get all those stumps for that starbucks planner eh... maybe next year... Kontento naman ako sa aking Go Nuts Disorganizer eh... That is what it is called... Saya noh? Wala lang... And mind you, I am very very very dedicated to it... I mean I try to write everything that is happening every single day... And it is so much fun... Ang saya... So write now, what i have is a joint diaryt with yna and ahlly, a joint diary with abdul, my disorganizer, and of course, this blog... I am well documented... As if naman kailangan...

So what do we have? ...ok... if froilan is going wild about his la salle thing, i am going nuts with my Nursing thing too... I'm almost sure I'll need a new school next Sem too... The only problem is that I don't really have any idea what school... All the remaining (or almost all) decent Nursing Colleges are either very pricey or not accepting transferees (?)... (and finding those school that are not included in the almost all would be like looking for a grain of sand in a sack of... uhm... more sand!)

So bale... Bahala na... My Micro is going so badly and yet I'm aceing my other subjects... It makes me feel guilty to write this (because of Froi) but I'll really feel bad if I will receive a grade lower than 1.5 in Physics. Screw Health Care and SHE! Then feed Micro to the dogs! Haay josko! I quote Pinggoy: "Nakakabongkang!!!"

The week that just ended is Trinity's 44th (ata?) Foundation Day... Sinabay din nila ang Intrams kung saan kasali ang bawat College ng Trinity pati ang Basic Education (high school)... Yung mga varsity ng high school ang lumalaban sa mga college... cool, huh? ...at kanina, naganap ang championship sa basketball... It was monumental!!! Promise!!! ... Ang magkalaban... Nursing (na walang katalo talo) at High School... Mahigpit sobra ang laban pero hindi lumamang kahit minsan ang High School... Yung ibang Nursing sa High School na nag chi cheer (pati kame nila Nette at Miko... hehehe... sorry pala...) So ayun nga... and then... 4th Qurater... Lamang ng isa ang Nursing... Bola ng Nursing... Remaining time? 1.90 seconds... take note: SECONDS!!! ...so bola nga ng nursing... isa lang ang lamang nila... Hawak ni San Jose ang bola... Pagkapasok... Na intercept (?)! Tumira ang nakaagaw... Pasok!!!!! Panalo ang High School!!!!!! Woohoo!!!!

Grabe talaga! Ang galing!!! Umiyak si Mike Lao... Siya yung nagiisang second year na nakakasabay sa Nursing na lumalaban eh... At feeling ko, siya pa ang posibleng maging MVP... Along with San Jose... Na crush ni Nette... Na hindi na dahil na turn off... Kawawa naman si Lao... Kasi yun na ata yung huling laro niya sa Nursing... Kaklase siya nila Miko at ayon sa kanila... Drinap na niya lahat ng klase niya at speech na lang ang pinapasukan... So obviously, hindi na siya mag te-third year sa Nursing... haay....

Anyway... Wala lang...

Actually, kasi, kakauwi ko lang galing kela Miko... Nag practice kame ng Parenteral... Ok... Nag turukan kame ng syringe sa isa't isa... Ok... Nag injection-an kame! ... Ayun... Wala lang... hindi ko pa din nata try mag Subcutaneous... Puro Intradermal at Intramuscular pa lang ang nagagawa ko... Masakit ang IM ah! Grabe!

Sa Monday na ang Return Demo namen... Hay nako naman... Haay...

Madame nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mahigit isang buwan... Hindi ko na naikwento ang aking mga kalokohan kay Pam... At pasensiya po, wala na akong balak pa siyang i kwento... At kanina lang... Napag alaman ko na may onting selos pa din akong nadadama pag napaguusapan si... kilala niyo naman na siguro, di ba?... Nag iiba ang presyon ng dugo ko pag siya na ang topic eh... Siya pa din siguro kasi talaga.... Mahirap ito... Grabe! lalake na lang kasi!!!! Sino ba kasi pwede! Takte!!! Yung gwapo ah! haay...

Anyway... Wala lang... Masaya ang block ko ngayong Sem... I think i oght to say that before this Sem ends... New friends na naman... Siyempre naging barkada namen si Alex... Heartthrob yu eh... Crush ng halos lahat! Hehe... I quote Yna: "Meron kasing something mysterious..."

So ayun... Ano, updated na ba kayo? ... hehehe... Meron ba kayong nais malaman? Mga agam agam diyan? tanong lang... Hehehehe... Ayun na!

Grabe din yung last post ko noh? December 22 pa ata? Tama ba? Grabe! Mag be-birthday na si Kath... (Blood pressure rises....) ... February 5... Ano, regalo na naman? Wala naman na kasing mangyayari... Card na lang siguro... O kaya bati na lang... pede na siguro yun... Tingin niyo? Ayaw naman sa ken eh! Eh kaso debut na eh... TSE! Si Jako na bahala dun! Prinsesa niya naman yun eh!

Tapos meron pang Valentine's Day... Haay nako buhay...

Ay oo nga pala! Tanggal kame sa Chorale! Si Kit na presidente ng chorale... si Jako na Auditor... Si Nette na treasurer... at Ako na PRO... at marami pang iba...

Ganito kasi yun... Midterms sa Anatomy... Tumanggap si Ma'am ng kanta... At pinapakanta kame... Siyempre, Micro kaya yun?! eh 'di hindi kame kumanta! May choice naman kasi kame... Kakanta kame, hindi mag mi midterms... Ang grade namen for midterms ay pareho ng grade namen sa Grand Finals... O kaya, hindi kami kakanta at matatanggal sa chorale... mag mi midterms kame soyempre... Pinili naming huwag na lang kumanta...

Ganito kasi yun... Ang Grand Finals, cover to cover ng Micro book namen na pagka kapal kapal! Jusko! Eh yung Isang chapter nga hindi ko na maipasa, yung cover to cover pa kaya?!? ...Mahirap ipasa ang Grand Finals... So... Nag text ako kay Justine... Sabi ko... Ok lang na matanggal kame sa Chorale kesa naman sa matanggal kame sa Nursing... Tama naman 'di ba? Ang sinasabi ko lang dun, KUNG papipiliin, chorale o Nursing, siyempre, sa Nursing ako kasi yun naman ang pinunta ko sa Trinity in the first place 'di ba? Malay ko ba na may Chorale sa Trinity... Ni hindi ko nga alam na may Trnity pala bago ako pumasok eh! ... At ito namang si Justine, pinabasa pa kay Ma'am! Hay nako talga... Hindi naman ako galit sa kanya... Ok lang... hidni niya naman alam eh na ganon eh...

Sayang lang kasi... Yung mga effort namen... Yung mag pa practice kame kahit na may Unit exam kinabukasan... Tapos yung pagod namen na hindi na kame makakapag aral pag kauwi... Tapos meron pa kameng binabayaran na 10 pesos per week para sa kung anu mang magiging project namen... Sayang yung mga ganun... Nakakalungkot lang... Dahil lang sa isang kanta namen... Na kasalanan naman nila eh... Haay... Bahala na...

Ok... ayan na lang muna... hindi pa ko nagbibihis at naghihilamos eh... 10:45 na... ok? go na!