Friday, December 22, 2006

...and you missed me

ang tagal na noh? ... na miss ko toh...

i tried to write some few days ago but i dont know what happened...

wala akong diary ngayon... ewan ko ba... basta na lang tumigil ako sa pagsusulat... and somehow, i feel sad... but aside from that... i'm a very happy person...

I'm enjoying my Christmas Vacation a lot... And I really really mean a lot!

The class Christmas party was really fun... Dahil yun sa nag host hostan na naman ako... hehehe... Ang saya... I made fun of my classmates... In a positive, good way ah... Whatever that means... Ahehe... Ayun... I received a cute stuff toy for my exchange gift... Guess who it is from... It's from Yna... hehehe... Tinupad niya ang aking Christmas wish... Na gusto ko ng stuff toy... Yey! Sabi niya para sa special na tao daw yun... Pero hindi kasing espesyal ni Arabit... kumusta naman... At ako yun... ahehehe... salamat yna!!!

Wala lang... ang saya... hindi ko na alam ano isusulat ko... basta kung ano ano na lang...

Christmas party sa bahay nila Rap... Maganda naman din... Malaki house nila... Pero nung dumating kame walang kuryente! Haha! kulet! Pero masaya siya promise... Ang saya saya... Nandun sila Kath at Arvee at Hazel... Sinundo si Kath ni Patrick... Nakakatawa nga eh... Halos lahat ata binalita sa aken na sinundo ni Patrick si Kath... As if I really need to know... hehehehe... parang tanga lang...

I received a butterfly decored candle holder... nyehehehe... Parang ang hirap maniwala na worth 100 pesos na yun... Pero anyway... ok lang yun... Salamat pala Jayson!

Andun din si Carlo... Tawa ng tawa sa ken si Bays kasi naguusap kame ni Carlo ng medyo asaran... ang awkward nga na ewan eh... Saya!
Masaya ang mga boys kasama... Kahit hindi ako nagbabasketball... Pinanood ko lang sila... Nyehehehe... Tapos si Alex naghubad... wala lang... bonus... hahaha! Beh Yna... hehehe... Nakikita nyo din naman siya sa swimming pool na nakahubad eh... pero iba pa rin pag pinagpapawis pawisan siya di ba... iba yung dating! wahahaha! patay ako kay Alex pag nabasa niya toh! HUWAG NIYO IPABASA AH! wahahaha!

Ayun... Tapos next... Big Night...

Na shock talaga ako ng biglang tinanong ni Jako si Nette kung nasaan na si Ramch... Pumunta ang loko! Ako ng hindi ko alam na punta pala ang kumag! Tapos si Jako alam! kakaiba! At etoh pa! 350 pesos yung hinayupak na Big Night na yun! at pumayag si Ramch ah! Si Nette kasi nagaya eh... hehehe!

Masaya naman... pero hindi ganon ka saya... Masaya lang kasi... Wala lang... hehehe... Andun si Kath at Patrick... Malamang! haller! hehehe... ayun... Ang saya nila... Wala lang... Nakakatawa... Ewan ko kuna paranoid lang ako ah... Kasi medyo sumasayaw sayaw ako sa seat ko tapos mamaya maya si Patrick din sumayaw sayaw sa seat niya... Nakikipag contest? hahaha... Hindi siguro... Baka guni guni ko lang... Feeling ko talga Pero naka jacket kame pareho! wahahaha! Brown kanya... Black yung aken... Mas maganda yung shirt ko! wahahaha! ano ba! may kumpetisyon ba!? Haller! kung meron man! Talo na ako! Sila na kaya?! haay... ok lang yan...

Hindi namin tinapos yung Big Night... Hindi na namin hinintay tumugtog ang Rocksteady (tama ba?)... Wala lang... Pumunta kami Starbucks... Ayun... sarado! Wahahaha! Pumunta na lang kami kela Liz... Nanood ng Material Girl... Ako lang ang nakanood ng movie ng buo... I mean hindi natulog... Oo nga pala... Kasama si Ramch kela Liz... Oh di ba?! Sabi ni Ramch... MAy new friend na naman daw siya... Dahil na naman sa aken... ahehehe... Ang dame niya nakikilala dahil sa ken... Hindi marunong humanap ng sariling friends? hehehe... hindi naman...

After ng movie, umalis na si Nette...4 na yun ng umaga... hinintay ko siya makasakay... nakauwi kaya yun? hehehe... hindi ko pa siya nakakusap eh... tapos, pagbalik ko kela Liz, nagsimbang gabi kameng tatlo... Ako, si Liz at Ramch... Wala na kaming seats... kasi naman late na yun eh... ahehehe... Nakatayo kame... Antok na talaga ako nun sobra! Grabe! ayun... 2 hours yung mass! Grabehan talaga!!!

Ayun... Bumalik kame kela Liz... Nagising... kumain... onti lang... ahehehe... tapos umalis na... ano oras na kaya yun? 7 o 8? ayun... sabay kame kay Ivy sa taxi eh... ayun... Grabe talaga yun... Pag dating ko dito sa bahay natulog ako kaagad! nagising ako 9 na ng gabi! hahaha!

Ayun... yesterday, Berclimmicks Style Christmas Party... It involved... Quantum... A movie (wag kang lilingon)... A picture taken at Tronix... Dota sa Surf Central... FEU... At overnight sa bahay nila Addi... I hade it all photographed... so tignan niyo na lang sa multiply ko...

Actually, I have everything photographed... So tignan niyo na lang multiply account ko ok... naka link dito... tignan niyo jan sa gilid... number 24 siya... ok?

Ayun...

Wala lang... I received my Christmas allowance from Mama... Ang saya... Bday ngayon ni Kyle... Natulog ako buong araw kasi naman galing nga akong overnight kela Addi... Eh hindi naman ako natulog noh! Naglaro kame ng 123 pass! Ang saya! Hot Seat daw... Wala namang nangyaring ganun! wahahaha! ang kulet! Wala nga pala si ramch sa overnight... kinailangan niyang umuwi sa Bicol nga gabing yun! wahahaha! joke!

Ayun lang...

Ok... Kuya just told... As in ngayon lang...

He's officially a gradutaed student... From what course? Who the hell knows! Ang importante, grumaduate!!! hahaha!

Ang saya noh! After 6 years!!! Grabehan!

Thursday, December 07, 2006

wow wow wow wow!!!

really!



it's sounds like a bark already but it's not. really! today, this was really an amazing day...



well, let me recall it... as much as i can... chronologically... ahehehe...



so... i was told by Grace to go to school early to make our "Dead Stars" assignment... Call time was 7:30... I arrived at about 8:15... Grace and Alex was already there... And so was Ivy... Later, Ate Lewi came... Hindi rin ako nakatulong sa assignment... But I Was assigned to report... Lage namang ganun eh... Taga report lang... hehehe...



pero... Ang thing about that morning thing was that Kath and her group was also there... And OF COURSE Jasper was also there... Hehehe... Wala lang...



When I saw them... Like I said before... There was the mangungulo ng dugo ng onti... onti lang naman.... And I was felt like obliged to say something... and being a fast thinker now a days, I thought of the keychain she gave me from Baguio... I showed it to her (it was attached to my bag) and mouthed "salamat ule ah!"...



And then sabi niya... kausapin niya daw ako... So we went to the CR... uuuuyyyy.... alam na! JOKE!!! not that you perv!!! We talked outside of the CR... And then.... Well, I guess amin na ang siguro yung pinagusapan... hehehe... ("ano kaya yun?!" sabi ni jako... naririnig ko siya ngayon... hahahaha! joke!)... so ayun nga... pero sabi niya hindi pa daw niya nababasa ang blog kong to... babasahin niya daw pag may time siya... take note of that. OK?



so we went back to our respective tables... I attempted to help with the "Dead Stars" thing but i failed misserably! hehehe... So I just let Miko paly with my PSP (not really mine...) and also listen to the songs I uploaded... Isa yung "kiss, heartbreak hotel" sa happy feet.... SO VERY CUTE...



and then Kath approached again... told me that she needed to talk to me... "last na!" sabi niya... Last na as in forver or last na as in for that lang... I really hope it was the latter... iiyak na naman ako pag yung former... huhuhuhu...



but anyway... nagusap kame... at sa aming paguusap... (no, i wont elaborating... but...) biglang sabi niya... "eh ano yung feeling mo meron kame ni jasper" ...ok, hanggang dun lang ang sasabihin ko... ang point ko lang naman... ay ito... akala ko ba hindi niya nabasa... at tinanong ko siya... "akala ko ba hindi mo nabasa..." sabi niya... "nabasa ko yung first part na yun..." or something like that... Ok, hanggang dun na lang talaga sasabihin ko sa aming paguusap na 'yun... PROMISE... anyway... ang point ko... clearly, she doesn't know what she was talking about... kasi hindi naman first part yung part na yun di ba... come on, read it again... 'di ba? in fact, nasa last parts na nga yun eh... atsaka nung tinanong ko siya "eh di nakita mo yung mga pics?" wala siyang mareact... kasi hindi niya nakita... hindi siya magaling magsinungaling... kasi siguro bihira siya magsinungaling... ok, last na talaga yun...



ang point ko ule ay... ano na nga pala? ay... ang point ko ay... nung umupo siya sa table nila... siguro may nakabasa ng blog ko at kinuwento sa kanya ang nangyari... at hindi siguro magaling ang pagkakakwento kaya nagkanda loko loko... ahehehe... haka-haka ko lang naman yun guys...



pero kung may nakabasa nga... sana hindi si Jasper... PEro kung si Jasper man... Malamang mababasa niya rin tong post na to... Well, Jasper... Una sa lahat, sana hindi mo nababasa to... Pero kung nababasa mo... Well... UHm... sorry tol ah... (wow lalake ito!) ... hindi seryoso, sorry talaga... Wala yun... (anong wala?!!? gago ba ko!?) Kasi ako lang naman yun eh... Wala akong gustong gawin mo... Kung ano man yang ginagawa mo sa buhay mo... tuloy mo lang... wag kang magambala sa kin... Pake mo ba sa mga iniisip ko di ba... Walang nasisirang friendship... Promise.... Sorry din sa mga nadadawit na tao ok? ok na?! hehehe... Wala akong gustong gawin mo Jas, kasi honestly, wala ka namang magagawa tungkol dito... Kasi nga, nasa akin namn yung problema... sorry lang talaga sa mga taong nadadamay... isipin niyo na lang na normal sa isang tao, maging sino at ano man siya, na magselos at pagselosan ang mga taong minamahal niya... (ok... kasi mahal ko si kath... yun yun! kaya ako nagseselos....hindi ko mahal si jas ah...no way, jose!...hehehe)... ang pinagkaiba lang ay, yung sa ibang tao, hindi normally nalalaman ng iba pang tao samantalang ako eh buong mundo maaaring makaalam... as long as alam nila ang URL ng site na ito. 'di ba?... so ayun... anyway... sorry ule...



so moving on...



nung time na... umakyat na... at pag akyat... andun na silang lahat... at ewan k ba kung ano ang meron at ang init ng ulo ni Jako nung umagang yun! Grabe! siguro meron siya...



ang saya ng discussion... LITERATURE eh... Napansin ko lang ah... I loved every single English teacher I had... Evry single one of them... Nakakaaliw... Ma'am Arlene Coronado is my favourite teacher ever! hehehe... miss her...



During Lit., I came up with the Pinoy Christmas Carols Medley... Ang galeng... sobra... Joke... Hindi natuwa lang ako kasi gumawa ako habang nag didiscuss... Nakakatawa pa talaga si Ma'am Capacete kasi kung anu ano kinukwento na related naman sa lecture... yata... hahahaha!



Tapos pina xerox ko siya... 16 copies... tapos sa xerox machine... may abnormal na foreigner na ang sama ng ugali... ayoko na ikwento... pero sobrang sama ng ugali... binastos yung xerox machine people... gusto ko nga murahin eh! ni-hindi nga magaling mag english yung unggoy na yun eh! ang yabang!!! takte!



anyway...



bumaba na ang mga kaklase ko nung nagpapa xerox ako... si jako nagdala ng gamit ko... bait?! :)



so anyway... kumaen... at pinamahagi ko yung copy nung medley sa aking mga kaklase... yey! at pagkatapos ng lahat nga mga ibat ibang nangyare... nagpractice na kame ng kanta... na GAWA KO! woohoo! hehehe... yung pagka sunod sunod lang... wala lang... 12:30 na nun... kasi yun naman talga ang usapan eh... so ayun... medyo onti pa lang... then eventually, medyo nakumpleto din kame... at nagawa naman ang dapat mangyari...



At masaya ako at nabuo naman siya... kahit papaano... Next problem: Kailangan daw may sayaw... so... sinayaw namin yung nung first sem first year namin... yung first 20 seconds lang ata... hehe... tapos sinundan na lang namin ng boom tarat tarat... My idea... hahaha! mine and ivy's actually.. saya...



dapat 1pm ang alis namin... eh dahil siguro party, past two na kame umalis... at sa bus... nag isang pasada kame ng medley... hindi siya maayos... pero ok na pa din... sabi ni kit we needed more practice pa... inisip ko naman... hindi naman kasi kailangan ganun kaganda... kasi siyempre understandable naman di ba... ahehehe...



so ayun...



pagdating sa PAGRAI... pinapunta kame sa aming family... para sunduin... ang nandun ay ang panganay lang na anak... na gumagawa ata ng panganay niya ding anak! hahaha... eh kasi nung kamatok ako eh may nagusap pa sa loob... tapos paglabas niya eh pawisan siya at wala top... naka shorts lang ng napakababa... at nakita ko... ay, wala pala akong nakita na brief... ahehehe... sabi niya magisa lang daw siya habang pawisan... o sige... mag isa ka lang... ahehe



so ayun na... umalis kame ng walang family... binigay ni yna yung stab niya kay joyce... yung akin nasa akin pa din hanggang ngayon...



pagbalik namin dun... may onti nang tao... at hinanap na ang mga emcee ng program... which happens to be me... woohoo! at ang parter ko ay si Jhong nga kabilang section... pero wala siya... naghahakot pa ng pamilya... so pinagstart na ko kasi we are delayed... big time! ahehehe... so nagpakilalala... pinagdasal ko na si james... and he did real good! ang galeng niya magdasal... pastor james po talaga... hindi kame nag sign of the cross... and we respect that... hindi talaga ata sa kanilang sect... ayun... so back to hosting ako... ahehehe...



nag welcome remarks si jako... at si raymond... nag greet sila ng merry christmas and all that stuff... sana daw mag enjoy... and i think they did...



pinasayaw kame agad... ano ba... bat ako nagrereact eh ako yung host... bale pinasayaw ko sarili namen... hahahaha... cute... naka ilang take... take 5 ata! kasi ayaw umayos nilang lahat... at nang sumayaw na nga kame... uhm... ayos naman... ahehehe... pero nang nag boom tarat tarat na... tulad ng expected ko... hindi na kame ang sumayaw... pinasayaw namin ang mga bata... wala sa program pero bilang host, i have the power to do things... ahahahaha! saya! biglang nagka contest sa boom tarat tarat! saya!



tapos nag bring me na ako... still, wala pa rin ang aking partner... hay nako... so ayun... pati pustiso pina bring me ko... hahaha!



ang saya saya!



tapos ewan ko na... kumanta na ata ng hawak kamay eh... or nag games pa? ewan ko na! basta.. may sack race, calamansi relay, stop dance, at newspaper dance para sa magina... tapos may game din para sa mga mothers... nagsubuan sila ng banana habang naka bling fold... at ang gagaling ah! in all fairness! ehehehe... meron din pabitin... bahala na sila dun... nagkanda ipitan na sila...




kumanta din sila jhong, jewel at some gitarist... tibo ata yun eh... kumanta sila ng narda... nag concert ang mga bakla! ahehehe... grabe... ang saya nila... pinakanta nila nang piakanta ang mga bagets in the area... ahehehe...



tapos... bilang finale... at im so happy we still did it kasi muntik nang hindi matuloy kasi gahol na sa oras... kinanta na namin ang aming medley! woohoo! ang saya ng feeling... may choreo pa kasi eh... gawa ko ule... hindi, gawa ng buong klase! saya...



i was looking at sir uy... parang natutuwa siya at naaaliw... siguro hindi nila inexpect na makakagawa kami nga ganon... hindi ako ngakapag pa bibo kay sir uy last sem pero ngayon feeling ko may na patunayan naman ako... saya ko talaga... at kay ron... nakita ko siya... parang ang mga titig niya ay may halong pagkamangha at onting bahid ng pagkainggit dahil nakagawa ang section namin ng ganon... at ang saya kasi parang plinano na finale talga yun... sumasabay pa ang mga bata... at ang solo ni Kit... talaga namang nakaka loka! ang galing! pati si sir uy nakita ko nakanganga sa husay niya umawit... nakita ko yun... galing ko noh? habang nagko-conduct eh nakakapagmasid pa ako sa paligid...



I'm so proud of my section... no, i can't really call it my section... si jako siguro pede... rather, i'm so proud of the section that i belong to...



tapos... uwian na... pagkatapos i-distribute ang goods... ayun na... ang kulet namin nila nette at grace and everyone else... basta... sarap mag picture-an...



at sa bus... kinulit ko si fred... ahehehe... natapon yun alcogel niya... eh kasi nasa bandang groin niya... sabi ko amoy zonroz at malagkit... ano ba!... ahehehe...



saya talga nang section ko ngayon... kakaaliw...



for the first time, pinayagan ang mga estudyante na bumaba sa mga lugar kung saan sila malapit at hindi na babalik ng school... kasi naman gabi na din noh! nagbabaan ang mga tao... si nette at yna nauna na... ayun... at ako naman... kasabay ko si lyrine na bumaba... sa marcos high way kame bumaba at nilakad hanggang sa river banks... woohoo! ahehehe... saya ni lyrine kasama... bumili kame ng mga anik anik... ako pala... ponds at sabon... ahehehe... at bulak... at kame dalawa, bumili ng mountain dew... at sa labas ng department store, bumili kame sa waffle time ng german cheesedog ba yun... ayun... saya... picture-an ule... tapos pinagbawalan kame ng guard na pumicture... ano ba! first time ko narinig yun ah! na bawal magpicture sa mall! ano ba! riverbanks pa! goshness!!



so ayun... pagkatpos kumaen at magusap... hinatid ko na siya sa sakayan ng lamuan sa kabila ng kanyang pagpipilit na umuwi na ako... at napagusapan namin ang... hulaan mo... ano pa nga ba... eh di ang calla lilly!!! ahehehe... saya pala... nasa dedications daw pala si lyrine ng banda... yung sa drummer daw...



ayun na... naglakad na ako pauwi... nag enjoy ako... ewan ko ba... ang saya kasi ng araw ko eh... kahit medyo may kalayuan... nadala sa kanta... ...kumanta ako ng kumanta ng "moondance"...michael buble... saya...



at pagdating ko naman dito... sa bahay... aba! ang mga kapitbahay kong mga bata eh nagulit... feeling close na! nagpa picture sa ken! ano ba! i mean gamit ang aking camera, pinicture-an ko sila... pangfriendster daw... ano ba... kasi naman, ang mga picture nila don ay puro mga artista...



at hanggang ngayon... andito pa din ako... nakaupo sa harap ng PC... pounding on my keyboard... ang saya saya talaga!



alis na bukas sila mama... punta hongkong... azar! hindi ako sama... apat sila... 3 days... mama, kuya, ate quee, at kyle... disneyland sila...



so ayun lang...



excited for saturday...



ang dame nakahanda...



168...tapos nood paly... at higit sa lahat... FINALS NA ANG PHILIPPINE IDOL!!! and i won't get to watch it! ano ba!!!!

so medyo puro salita lang toh... puntahan niyo na lang yung aking multiply account for visual visuals... ano daw... ewan! go!

Sunday, December 03, 2006

aray...

ouch talaga!...



but you know what, the more I look at their pictures together (there's something gramatically wrong with that ata), the more i realize na... bagay naman din pala sila... just look at them... ang saya nila...









hay nako... hindi ko na ma-upload yung iba...

ang saya nila noh? at bagay sila di ba?

sabi ko nga dati, jasper looks alittle like keempe de leon... at si kath, hanna said when I showed her kath's picture before: "medyo mamukha niya si karel marquez..."

si karel... yung may sex video, na sabi ng kuya ko, siya daw talaga yun... hay nako, tsismis...

and by the way, i took all this pics at kath's friendster pics...

now tell me she's not fond of him...

bat ba kasi ako nagseselos? bakit ngayon?

hindi naman ako nakaramdam ng ganitong selos kay carlo ah... o kaya kay Patrick... In fact, medyo boto pa nga ako kay Patrick eh... I was happy for them... Believe it or not, pinagdasal ko pa sila sa Christ the King... You better believe it cause it's true...

So ba't nga ako nagseselos?

O selos nga ba?

hindi kaya... Ang nararamdaman ko ngayon ay tulad ng naramdaman ko dati nung magng si Jako at si Ruth...???

Hindi kaya feeling ko eh hindi deserve ni Jasper si Kath... Ang yabang ko naman, 'di ba?

Eh ba't ba? Eh sa ganon ata ang nararamdaman ko eh... Inisip ko kasi, kung hindi ako ang pipiliin ni Kath, sana naman yung mas magaling at mas angat sa 'ken...

So ano na naman ang sinasabi ko? Na mas angat ako kay Jasper??? Ang yabang ko naman! ...pero pwede din...

Hindi joke yon...

Joke. hehe...

Pero anyway... Kung siya ang gusto ni Kath, eh 'di ok... May magagawa ba kame? Haay...

Oo nga pala, hindi lang naman ako ang ganito ang pakiramdam sa mga nangyayari eh... Ayoko mag banggit ng pangalan kasi pag ito na basa ni Jasper o ni Kath, eh patay tayo dyan! ahahaha!

Gusto ko lang mag-hi kay Jako... Bakit? wala lang... ahehehe... Kumusta na nga pala ako ng prinsesa mo? :))

hay buhay...

Ang sakit pa rin sa dibdib pag naiisip ko! Bat ganun!? hay nako buhay! Malandi kang bakla ka!

Oo nga pala, pupunta kame sa play nila Froilan sa sabado... Inaaya ko na ang mga taong nagbabasa ng blog na ito... Murang mura lang... 99 pesos! Sulit ns sulit! How would I know 'di ba? pero oo naman daw sabi ni Froi... Inaayo ko ang Tropang Walang Gawa! OK? Kung gusto niyo, pagkatapos maggala eh nood tayo... 7:45 pa naman ng gabi yon... Kung ok lang...

Kung ayaw niyo, eh di ok? may magagawa ba kame? Pero this is something new... Kung hindi ako nagkakamali, this would be the first time na manonood ako ng play hindi dahil sa kailangan, kundi sa gusto ko at hindi required sa school! Oh di ba, something new!

Pupunta nga pala ang BERCLIMMICKS... hindi lahat malamang... Wala lang... Ang Tropa na gusto sumama, huwag kayo mag alala, hindi kayo mao-op kasi hindi naman tayo sasama sa kanila! HAHAHA! May sarili tayong grupo! ahehehe...

Ayun lang...

Ayan, hindi na ata ako bitter masyado... OK na yan... Pero malamang-alamang eh medyo magbo-boil ng onti ang aking blood pagmakikita ko sa school si keempe de leon... hay nako... Pero ok lang...

If ever, I'm wishing them all the best...

Other than this naman kasi eh I'm very happy with my life! (josko! napaka showbiz!)

Ayun lang... Advance Merry Christmas everybody! Gusto ko makatanggap ng malaking stuff toy for Christmas... Sana may tumupad... Nananawagan ako! ahehehe... :)

Friday, December 01, 2006

Taena!!!

Bat ganun!?!?!



takte! Akala ko ba bakla ako!?!!?



eh bat nung nakita ko yung pics ni kath sa friendster...



Bat ganun?!?!



nakakaselos lang...



kumukulo dugo ko na ewan!



ayoko na!



tanginanamangbuhaytooh!!!!



ayokon ng ganito! magpapasko pa naman na!



FUCKSHET!

calendar galore...

a made another two probable designs, i still dont like them but, which do hate the least? ehehehe...


A sad, moneyless, boring day...

Joyce called, for the first time, a while ago saying that tomorrow, we will go watch a movie... And by we, I mean, the Tropang Walang Gawa... I said I have no money... Dahil wala naman talaga akong pera... Unless, papautangin ako nila... Huwag naman sana dahil 1,500 pesos mahigit na ang utang ko! Hindi ko na nga alam kung paano ko babayaran yun eh! Goshness!!!





Miko left an offline message, which I just read... It goes something like: "Kung maganda ang panahon, baka gusto mong mag DOTA... Ayain mo yung kaibigan mo, si Ramch"





Maganda ang panahon... wala akong pera and I lost my interest of it during my last DOTA game, sorry naman...





I'm trying to make a calenday for Tropang Walang Gawa... (na malamang ikase-selos na naman ni Ramch) ... Here is a sample...








I dont like it... Ahehehe...



Gusto ko sana, yung days eh part nung picture... gets? Nakapatong yung numbers sa picture mismo... Yung ganon...



Maghahanap ako...