ok...
ang saya saya! gravah!
yuck, bading! hehehe...
october 25 was really fun... sobra!
the day before that, sinamahan ko si addison sa cubao (or was it the other way around?) maghanap ng regalo para sa pinakamamahal niyang si hanna... ang iniisip niyang bilhin ay yung chuck na pick na may pink lace as a shoe lace... as in ribon yung shoe lace! ganda! promise! i quote addi: "kung babae ako gusto ko din to eh." hehehe... Don't worry hanna, Addi is still hetero. Promise. Tapos sinamahan niya ako sa SM para bumili ng PINK ng long sleeves at PINK na neck tie para sa tatlong debut na aatendan ko. Haha! Yeah, it's called recycling! HAHAHA! Tapos kumain kame ng panis na pagkain sa foodcourt. Yuck talaga! Pero nasarapan si Adii... Hehehe... No, hindi talaga ata siya panis, feeling ko lang... hehehe... Tapos pumunta na kame sa Gateway ule para balikan yung cake sa Goldilocks... Para kay Nathan yung cake... Tapos pinasakay ko siya ng jeep at umalis na!
The next day...
Madameng nagyare...
This won't be written chronologically (spell?)...
Nagkita kita ang barkada sa bahay nila Nette... Ako naunang dumating kela Nette... Actually, si jasper daw... Kaso umalis siya uli kasi napaaga siya ng punta... Tapos Si Nathan... Tapos Dumating na sila.. Tapos si Jasper... 'Yung sila... sila ano yun... Sila Miko, Jako, Van at Ninyoh...
Tapos umuwi na... Wala lang...
Joke...
So... nagayos onti... Tapos pumunta na sa resort... I don't even remember the name...
Akala ko ba hindi chronological to???? Hehehe... Hayaan mo na nga...
Pagdating dun... nagtanong tanong... Nag decide na magoovernight kame dun... Worth... 1300 yung room... Overnight swimming is worth 150 at ang hindi ay 75... Nette, Rey-an at Nathan paid 75 pesos and the rest 150... So yun... Start na... Naghanap ng place... At ayun... Nag settle, at nagparami... Charing!
Ayun na... Naghanap na ng maiihawan si Papa bear... At nagsiga na siya... Tapos blinow na ni Jonathan yung cake niya... Siyempre yung candle yung blinow! Bobo! Tas ayun... Watch the video na lang... Sa Multiply ko siguro...
Tapos, lumangoy na! Yey! Picture picture... Ganyan... Tapos nagihaw si Miko... Tapos nagsaing si Jako... Tapos nag swimming kame... Tapos nag ihaw pa din si Miko... Tapos nag Swimming pa din kame... Tapos nagihaw opa din si Miko... Tapos Nag ihaw si Van... Tapos umulan... Tapos nagkagulo kame kung papaano tatakpan yung mga baga... Tapos nagawan ng paraan... Tapos Nagihaw si Miko... Well, basically, nagihaw lang nang nagihaw si Miko... Tapos si Van naman yung nagihaw... Tapos, nung naihaw na lahat ng pork chop, which, by the way, was marinated really good by the only lady in the group, Nette, at naihaw ang ilan sa mga isada, eh kumain na...
Ay, kasarap!!! Grabe!!! Problem: Walang utensils!!!! Waaahh!!! Pinansandok namen ng kanin yung baso, pinanghiwa ng cake yung takip ng tupperware, at siyempre, kinamay lahat ng pagkain. Pati cake!!! Ginawa siyang pandesal! Sorry naman.
Tapos, nagswimming na ule... Nakapag swimming din si Miko. Hehehe... Basta! Nagswimming kameng lahat! 'Yun nga yung pinunta dun di ba!
Nagrace kame sa languyan. Akala ko ako yung pinaka marunong sa kanila. Ako pala yung hindi. Hahaha! I mean, pag nag race yung mga marurunong, ako yung kulelat... Hindi naman... 3rd naman ako... Pag tatlo kame nila Miko at Jasper ang maglalaban laban. At least third! Hindi last! :)
Bilis lumangoy ni Miko grabe! Si Jasper din! Saya! May mga pic kame sa Multiply ko... Yung buong araw meron... At buong gabe... Hehehe... Wala lang... Naubusan nga ako ng memory eh... Puro video ba naman kasi sila! watch mo na lang din sa multiply ko yung videos... Love ko na Multiply! Gravah!
Yuck, bading na naman!
Tapos... kinahapunan... Nung medyo napagod ang mga tao sa kakalangoy, Nagdecide ang grupo na maglaro ng playing cards! What!?! Basta yun... Nung una, nag tong its sila Van ninyoh at Jako ata... Tapos sinamahan ko si Van bumili ng sigarilyo... Nilibre niya ako ng hindi masarap na tig lilimang pisong OHEYA... Yung green... Tapos... Pagbalik ko nag Uno kameng tatlo nila miko... Tapos Sumali yung mga nag to tong its pati si Nathan... AT!!! May consequence ang matatalo!!! That was the most thrilling UNO I ever played! EVER!!!
Ang matatalo, iinom ng tubig galing sa swimming pool! No, not really, Isang baso... I fourth lang... It was my idea... No, Not really mine, It was R-chi's ata... Nung Debut ni Justine sinajest niya yun... But we did not do it... Well, Tropang Walang Gawa did... Hehehe! Sover!!! That's Sobra plus Over! SOVER!!!
Unag baso... Kay Ninyoh!!! Waah!!! Pangalawang baso, Kay Ninyoh pa din!!! Nasuka suka na siya nun! hahaha! Look at the pics... Tapos... Pangatlong baso... Sa akin! Waah!!! At dahil sa may mga natapon, they made me drink another glass of overly purified drinking swimming pool water. Gravah! ... Tapos... Nag kwento si Ninyoh na wala daw siyang brief nung nag swimming...
Waah!!! So parang lumala yung isang baso ng tubig na yun di ba! SOVER! At ang pang apat na baso ay... Napunta kay VAN!!! Hahahaha! Siya pa naman yung nagsasabi na may essence daw ng, I quote Van, "betlog ni Nonyoh" yung tubig... Wahahahaha!
Waah!!! So parang lumala yung isang baso ng tubig na yun di ba! SOVER! At ang pang apat na baso ay... Napunta kay VAN!!! Hahahaha! Siya pa naman yung nagsasabi na may essence daw ng, I quote Van, "betlog ni Nonyoh" yung tubig... Wahahahaha!
Ay teka lang... May mali! Yung unang baso pala eh napunta kay Jako... Tapos ayun na... Dere deretso na yun! Sumali din pala sila Rey-an at Nette... After nung 3rd glass ata... Saya!!!
Tapos nabanlaw na ako at si Nathan... Nauna sa amin si Ninyo eh... Kasi hindi na siya sumali sa last two bottles... Hehehe... Trauma? Hahaha!
Habang ang iba naman, naglalalangoy pa din... Nag pokemon battle pa daw sila... Kung ano man yun... Tapos saka lang binuksan yung slide... So, Si Miko, Van at Jako lang ang nakapag slide kasi by that time, Nakapag banlaw na rin si Nette at Rey-an pati si Jasper... Haay... Daya!
Tapos...
Kantahan sessions nah!!! Woohoo! Adik si Jasper! At si Miko! Grabeh! Nag interpretative dance sila ni Jasper to the tune of "First Love" by Utada Hikaru as sung by Ninyoh!!! Hahahahaha! SOVER!!!
Adik kumanta si Jasper! "I'm just a teenage Dirtbag baby!!!" Tama ba!?!? Ewan!!!
Tapos... Nag aya si Rey-an na sa kanila matulog... Naawa daw kasi siya kay Ninyoh... Kasi malaki laki babayaran niya... Ang balak kasi, kalahati kay Ninyoh... Tapos tig iisang daan kame... Hehehe... Eh ayun nga... Kela Rey an na lang...
Yung jeep! Ay nako! lumilipad! Ganun naman lahat ng mga pampasaherong sasakyan sa ANTIPOLO eh... Dapat hindi The Pilgrimage City ang tinawag nila dun eh! Dapat The Hasty City o kaya, The Ride-Our-Jeep-And-Thou-Shalt-Die City!
Tapos kumain ng Chicken Spag sa McDo Masinag... Kameng dalawa lang yun ni Ninyoh... Ok? Tapos... Ayun na... Dumating si Nette at Rey-An... Oo nga pala... Umuwi na si Nathan at Jasper... Hindi pinayagan mag overnight si Nathan eh... Si Jasper naman, may lakad kinabukasan... So ayun...
Ang haba na nito ah!
Tapos pumunta na kame kela Rey-An...
Dun ko napatunayan na wala akong kwentang kaibigan...
Punuan yung jeep so Nag decisde na lang kame na yung iba, sasabit... Unfortunately, nasama si Ninyoh sa mga hindi nakaupo... Umupo siya sa isle... Tapos kung may bababa, siyempre, kailangan niyang bumaba, So, Nung unang may bumaba, bumaba kame... Ako, Si jako, at Si Rey-an ang mga nakasabit... At dahil nga nasa Tha Hasty City kame at si Ninyoh is not really the all-so-hasty type of person, umandar yung jeep ng hindi pa kame nakakasakay... At most importantly, si Ninyoh... So, humihinto hinto ng onti yung jeep tapos aandar na namn... ganon ng ganon... Si Ninyoh, hindi pa din makasakay sakay... Alam niyo ano ginawa ko, sumakay ako... Ng hindi nakakasakay si Ninyoh... Baket? Siguro kasi ayoko na maiwan ako at bahala si Ninyoh kung maiiwan siya.. oo, hindi ako nagiisip nun... Hindi ko iniisip kung ano ginawa ko... Involuntary action siya kumbaga... Tama ba? Ano ba ang herat? Ivoluntary di ba? Nalilito pa din ako sa term na yan... Basta... Yung actions na hindi ka conscious... yun na lang... Unconscious ako nung ginawa ko yung pagsakay ko na yun... Pero kasi dun mo nalalaman ang totoong katangian ng isang tao... At ako, wala akong kwentang tao... At higit sa lahat, wala akong kwentang kaibigan...
And there I was, saying about Jako's kawalang kwentahan bilag isang kaibigan... Haay... Buhay...
Anyway...
Nakasakay din kame... Iniisip ko yung ginawa ko habang nakatitig kay Ninyoh... Natawaako kasi habang nakatingin ako kay Ninyoh, hinawakan niya boobs niya kasi umuuga daw sa sobrang galaw nung jeep! wahahahaha! ... haay... At umabot din kame sa destinasyon namen na buo pa din ang grupo...
Tapos nag tricycle kame... At PUCHA yan! Ang ingay ng tricycle!!! SOVER!!! Tawa ako ng tawa kasi nakatakip na kame ni Van ng tenga dalawa sa sobrang ingay nung tanginang tricycle... Hindi ko marinig yung tawa ko pero alam ko sobrang lakas na talaga nung tawa ko... JUSME!!! Nagsiputukan ata mga cochlea ko! GRAVAH! Pag baba sa jeep, I experienced a very short temporary deafness! SOVER!!! Hahaha!
Pagdating kela Rey-an, napag alaman namin na hindi pa pala siya nag papaalam na may dadalhin siyang mga tao! So, lumalabas na surprise ang aming pagdating! Akalain mo yun!!! wahahaha!
Pinapasok naman kame at ayun na... Sa kwarto ng kuya niya kame nagstay... Nagadala ng dalawang extra na kutson dun tapos... Tapos... Tapos... Nagpainom si Van at Jako! Wahahaha! Uminom ako... yeyeyeyeyeyey! At may picture pa! Proud? Ngayon lang naman kasi ako uli uminom noh! Since, what? I don't even remember! Teka... Since... Tama! Nung overnight kela Draeion! And that was when? 1st Sem 1st Year College! Oh, lampas 1 year na naman! That's what you really call occasional!
Tapos... Tapos pagkatapos nila uminom... Naglaro sila PS2... Hinatid ni Rey-an si Nette sa kanila... NAg mutor lang sila... Pagbalik, nahuli daw siya na walang lisensiya... Hehehe... Patay! Hehehe.! Nakauwi naman siya ng hindi sina salvage! hehehe...
Natulog na ako...
Pag gising... Umaga na... At napagalaman kong... Drumroll please... Sira ang aking cellphone... Apparently, naapakan daw ata siya... Haay.. Kawawang cellphone... Hindi na ang o on... At mas kawawa ako... Wala na akong gagamitin... Haay... Inisip ko, ok lang, gagamitin ko na lang muna yung luma kong phone. Pero pagdating ko dito sa bahay, nalaman ko na sinaoli na pala ni mama yung phone kay Tita Ondet! Shet!
So... pagkagising ng lahat, kumain na... Si Rey-an na lang ang natira sa kanila... Hehehe... Tapos... Wala lang... Nung maghuhugas na ng pinggan... Alam niyo kung paano siya dinetermin? siyempre pa! Through UNO!!! Woohoo! At alamo kung sino natalo? Si Ninyoh! Wahahaha! Siya pa naman ata yung hindi masyado gumagawa ng gawaing bahay! Hahaha! Tapos nagtanong kame kay Rey-an kung ano pa pede ipusta. Sabi niya maglilinis daw ng hinigaan namen! Eh di go! UNO na naman! wahahaha! At sa Wakas! Natalo din si Miko! hehehehehe! Siya lahat gumawa pati ang paglilipat ng kutson! hehehe!
Saya! Tapos, pagkatapos maligo ni Ninyo, Naligo ako... Tapos nag ganyak tapos umalis... Naglakad... Ng matirik na kalsada... At sumakay ng FX... Ng mainit pa sa pugon na FX! Grabe natalaga! Lahat kame 25 binyaran... Kasi sa Cubao, Supa o Major Dizon ka pa bumaba! SOVER!!!
Ayun... Ako una bumaba... Sa Sa Major Dizon! At pagdating ko dito sa bahay... Nilagay ko yung mga basa sa batya... at!!! AT!!! AT!!! Natulog!!! Ang sarap!!! Hahahaha! Ayoko ng feeling lasing! hehehe! Ang sarap asyado matulog! 7:30 na ako bumangon... Ano oras ba ako natulog? Wowowee ang palabas pa nun... At kakasimula pa lang nun ata... Basta...
Ayun! Ang saya di ba?!!?! hehehe... Sa mga hindi sumama... Wala lang... May magagawa ba kame... Pero sana lang... kapag plinano na... gawan naman ng paraan na makasama talaga... Ewan ko kung kailan mauulit pa ito... Siguro hindi na... Next time malamang meron na naman hindi makakasama... Malay natin next time ako naman... Ganun talaga siguro... Sayang lang...
Haay...
Bukas... ageenrol na ako... Mag eenrol na kame! Sa wakas! Makakasabay ko na uli sila! Sana... Sana naman... PUCHA yan! kaso feeling ko hindi na naman eh! Feeling ko mahahati ang Tropa... Sana hindi... Sana talga... May blank check na ko... Pay to the Oder of "CASH"!!! Lalagyan ko siya ng lampas! hehehe! Charing lang! Asa pa ko! Sigurista Mama ko eh... Kahit na may cash siya, Check pa din binigay niya sa ken at pinangalan sa Trinity para walang kick back kick back... Napakasaklap! Wahahaha! hehehe...
So bukas ah!!! Sana....
Walang makakapg text sa ken... Hala!!! Debut na rin ni Hanna bukas! Wala pa din akong coat!!! Patay!!!! Bahala na talaga!!! Maiintindihan niya naman siguro kung pagdating ko dun eh nakahubad lang ako... Hahahaha! Goodluck!
Yey! Ang haba ng kwento ko! At Tapos na siya!!! Whew!!! :) See yah!