Thursday, September 21, 2006

announcement...

sa mga taong nagbabasa ng blog na to...

especially... mga taong gusto makita yung iba pang PAGRAI pics at kung anu ano pang pics... hehehe... so wala atang ganon... kahit na... iaanounce ko lang na may multiply na ako... bisitahin niyo na lang...

www.francismoses.multiply.com


ok? gogogo!!!

PAGRAI first timers... again...

So... As i was saying... :) ... Ayun nga... ako nga yung unoficial photographers... At sa bus pa lang eh may mga nakuha na akong sandamakmak na pictures... eto ang ilan sa kanila... (ayus na ule ang blogger!)


Sa BUS


mangilan-ngilan...

madame-dame


dadalawa


medy0 mag-isa

Si sir

So ok... pag abot namen don... habang naglalakad... picture-picture pa din...

Sa Kalye

On the way... haba pila ah!

wala na... nagloloko na naman blogger... nde na ko makapag upload... haay...

next time na lang ula... mamaya yung next time na yun... sana...

PAGRAI first timer... hehehe...

So yesterday... we had our first PAGRAI experience... Masaya siya... And I was one of the unoficial photogpraphers of the class... I had fun taking pictures of my classmates and friends and of course, of myself...



So, where did I get the camera (which was a cybershot, by the way, which I don't know what's so special about it that my classmates kept on asking if its a cybershot... jeez!)



Well, it's my Ate's and I saw it lying on one of the emty boxes so I took it... hehehe...



Sa bus pa lang, todohan na ang picture-an... OK? This are a few I took from the bus...

hala??? bat bawal na magupload sa bloggger??? ano nangyare... teka ga! kain muna ako!!! mamaya na tong blog!!!

Sunday, September 17, 2006

unbecoming

its been a long time...
ninyo is complaining for being the only one who updates his blog. eh sa busy 'yung mga tao eh! ito talaga!
well... i'm having a lot of fun.. lots! but there are these moments when i'm feeling, i don't know, incomplete... something is not right... (kasi may left)... haha... no, seriously, like right now... I'm feeling a little incompetent. And uncapable to do things... Maybe even unhappy... And I don't like it...
Siguro kasi ang dameng gusto kong gawen na hindi ko naman pala kaya... Tulad na lamang nga pagiging SNA Gazette staffer... Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawin 'yung article na na-assign sa akin. Eh kasi naman. Wala akong kaaydi-idea kung ano yun... CPCR... the new CPR... my golly!!!
Bahala na... malamang i quit ko na lang siguro siya... nakakainis!
tapos 'yung ana ko... napaka disturbing talaga... Midterm na naman na kasi... At 71 for midterms!? 72 ba? Whatever! Bagsak pa din... Ngayon lang ako nagkakaganito... i mean bumabagsak... Shit!
Anyway... Basta.. Minsan masaya naman eh...
Yesterday, Saturday... We had our first community... Baybay Sapa... Nagtimbang kame ng bata at nagbigay ng Vitmin A. Ako taga timbang... Masaya kahit medyo magulo...
Pagkabalik ng school, wala akong kasama so hinintay ko na lumabas ang section 17... hindi na ako pumasok ng philo kasi after namen kumain ng lunch sa mcdo eh nag gateway kame... first time kong hindi pumasok para maglakwatsa... Ay! Second time na pala! Yung una, philo din kaso hindi naman natuloy ang klase nun eh. at hindi nag attendance... So, kahapon lang ako umabsent para lang magliwaliw! At hindi na mauulit yun! ang umabsent! Buti na lang talaga at worth it ang pag absent dahil sobra saya!
sino sino ba kame kahapon... nette, joyce, ninyo, miko, nathan, kim, ivy at ako... may nakalimutan pa ba ako? sana wala na...
ayun...
lakad lakad lang... window shopping... flatuence.. picture-an...at kung anu ano pa... wala lang...
nung uwian na ang pinaka masaya... kasi naiwan kameng tatlo, joyce, miko at ako... dapat mag mu movie kame... kaso nawalan na ng gana si miko... kakain na lang daw kame... sabi ni miko...
"joyce manlibre ka na lang ule ng pizza hut!"
sabi ni joyce
"wala nga akong dalang pera!"
sabi ni miko
"papautangin kita nitong five hundred ko tapos libre mo kame!"
sabi ni joyce
"ang utak talaga nito! Sige na nga!"
sabi ni miko
"ang sarap talaga kasama ni joyce!"
ayun na... pizza hut na! hehe... tapos sabi ko
"sabihin naten isa sa aten may birthday!"
tapos pumasok na kame... tapos sabi ko happy birth day joyce!
tapos umorder... gusto ko kasi sana cheezy volcano na beef something... yung bago... kasi yun paborito ko... kaso ayaw ni miko... so ang pinapili namen kay joyce ay... carbonara at 5 cheese... carbonara daw... tama ba? yun ba talaga pangalan? basta! yung nasa taas ng 5 cheese dun sa menu... tapos, ang kinuhang pangalan eh kay miko... eh si joyce nga kunyari ang may birthday!
tapos kumain! ... kwento...
nung malapit na kame matapos... bigla may sumigaw...
"its sir miko's birthday!"
akala namen sa ibang table kasi nga si joyce dapat may birthday! eh wala... dun sila kumanta ng pag ka lakas lakas! wahaha! ayun na... yung ice cream na may candle si miko ang umihip at nag wish! tapos binigyan pa siya nga eird na colorful na hat na gawa sa felt paper! hahahaha! saya!
pag balik nung babae na waiter... baka manager... sabi ni miko...
"siya po talaga may birthday" *turo kay joyce"*
waiter:
"ay ganun po ba? sorry po"
sabi naman ni joyce:
"hindi po, hindi po..."
wahaha! ano kaya yun?! nahahalata tuloy na wala talagang may birthday! hehehe! saya!
sabi ni miko pagkaalis nung waiter:
"ano ka ba! wag mo itatanggi na ikaw may birthday!"
ayun na... umalis na kame...
tapos nag aya ako na manood ng sine! hehe!!!
o cge naman sila... kaso wala ng pera! so mag wi withdraw muna si miguel at papautangin uli si joyce... so punta shopwise... tapos balik sa gateway! sumakay kame ng shopwise mini bus.. tas ayun...eh kaso nag start na mga movies tapos last full show eh 9 30 pa... so hindi na lang...
nag aya ako sa ali mall! so punta kame! try na rin daw namen!
dumating kame 830... ang last full show nag start ng 8 15! hai nako malas talaga!
hehe... manonood dapat kame ng american dreams! yes... come on! hehehe... paborito ni miko sa mandy moore... sa mga hindi na kaka alam, lahat ng movies ni mandy moore, meron siyang original vcds! woohoo! hahaha! saya!
tapos medyo umikot ikot na lang kame sa ali mall... tapos nag taxi si joyce... nag lagro si miko... at nag proj 4 ako...
pag dating ko sa bahay... philippine idol na... nanood ako sa kwarto ni uncle baby at first time yun na madatnan nya ako na nanonood sa kwarto niya... ok lang... tapos tinapos ang philippine idol... and then voted for mau... 5 times... oh di ba!!! ewan ko na lang kung hindi pa pumasok yang negrang pangit na yan na magaling kumanta!!!
hehehe...
ayun lang... mamaya eh papanoorin ko ang results ng binoto ko... ok? nood din kayo philippine idol!

Friday, September 01, 2006

Talunan! Insignis...

we are losing... And i'm not liking it...

Natapos na ang cheering kahapon... we lost... cenenniales nanalo... whatever... we were good though... real good... kung kaya naman hindi ko alam kung baket kame natalo... haay... nako... whatever... basta alam ko panalo kame... pang non-stop kaya yung sayaw namen!!!

akala niyo! promise! iyu-youtube ko yun soon... at mapapanood niyo kung gaano kae kagaleng... hehehe...

hindi pa kame nananalo sa kahit anong game... oh wait, nanalo na pala si Ron... Pero magaling yung team namen... lumalaban... both sa basket at volley... ang galing nag volleyball namen!promise! go Yancy! Go Don! Ang galeng nung seciond set... Natambakan namin sila ng 13 points! 3rd set nga lang talo... Haay...

Namo mroblema ako sa Sunday... Hanggang 10 kame dito sa school DAPAT. Eh paano yung debut... AT! paano si Kath... hindi pwedeng umabsent siya sa Sunday noh! Hello eh president laya siya ng 17! Paano na naman 'yung kanta... Tapos may kanta din ako... Eh paos na paos ako kaka cheer noh! Shet!

Bahala na talga ever...

Simula na ng performance ng Philippine Idol sa Sunday... Hay nako ever...

Wala na akong maisulat ever...

Sa Sunday na din ang talents unlimited... Good luck Gem at Kit... Sana manala tayo... Ang saya siguro kung sila lahat yung first place second place at third place noh?! Woohoo!!! Saya ever! Panalo na sa overall...


o cge na...