Wednesday, May 31, 2006

watta day!

watta day!

watta day indeed!

nakapag enrol na po ako... at may friends are so so so concerned... kasi sabi ko baka hindi ako makapagenrol... so... alam niyo ano ginawa nila? nag ambag-ambag sila ng pangtuition ko! grabe! at alam niyo kung magkano pinag ambag ambagan nila? 11,800!

grabe talaga... yung mga taong hindi ko ine expect na gagawa nun... haay... siyempre andyan ang tropang walang gawa... nakakatuwa lang kasi may ibang tao pa na tumulong... isipin niyo pati si pacardo... eh well known sa pagiging sobrang matipid ng tao yun! si draeion din... si miguel... 4,100... haay... salamat talaga guys! alam niyo sinasabi nila? "ano, ito ba ang walang nagmamahal sa 'yo?" ...haay... grabe... mahal na mahal nga nila ako... hehe... ang malupit lang... wala akong kaklase sa kanila... grabe!

Arjay! ... kaya yan!

tapos... ngayon naman nabasa ko blog ng beshy ko... abdul... sorry talaga ha... tinamaan ako sa kanyang entry na


Duccio di Buoninsegna
Monday, May 29, 2006

at lalo akong tinamaan nung hindi ko nabasa yung pangalan ko dun sa mga kaibigan namen na sinabi niya... naramdaman ko kung gano ako kawalang kwentang kaibigan... at ito ba ang mag bestfriend?!?

hala naman...

sorry talaga... hindi kita natetext kasi una, wala naman akong cellphone di ba? tapos parang hindi ako umeeffort na makita ka... so untrue... or is it? siguro nga...

eh kasi ang akin lang naman, hindi natin kailangan ng communication para mapatunayan natin na mag bestfriend tayo... alam ko kasi na pag kailangan kita, nandiyan ka lang... at ineexpet ko din naman na pag kailangan mo ko, anditio lang ako... haay... pero parang hindi ganun ang nangyayari... maraming nangyayari sa yo na crucial na hindi ko alam... at marami ring nangyayari sa ken na hindi mo alam... pero gusto ko yung malaman mo... promise...

hay nako naman!

best friends pa rin tayo ha... miss na miss na miss na kita... haay... lage nga akong tumatawag sa inyo sa bahay tapos naka apartelle ka na pala... kaiinggit... kailan kaya tayo magtatawanan ng walang kapakepake sa mga tao sa paligid ule? josko! miss ko na yun...

haay...

uy... abdul!!! wala rin akong pasok ng thursday!!! hehe! atsaka naalala ko... bukas na yung audition sa sm manila... pupunta ka ba? punta ka ha! kaso pano kita mahahanap?! hanapin mo ko! tapos sumigaw ka hanggang sa marinig kita! hehe...

haay...

another bad news for me... wala nga akong kakilala sa seksyon ko... i'm section 2NU19... at hindi ko kaklase si yna... for the first time... at si ahlly din... si yna din walang kaklase na kakilala... as far as i know... mamimiss ko siya promise... wala na akong kasama lage... josko! isang buong taon di yun! haay... turn ko na pala bumili ng joint diary noh? haay...


sila anne, lyrine at aefril... at kung sino sino pa... todo basa pala talaga ng blog na ito... haay... salamat guys ha! kinukwento pa nga sa ken ni grace, sinasabihan niyo pa daw siya na magbasa nga! hehe...

miss ko na mga berclimmicks... although yung iba nakakausap ko from time to time... tulad na lang bukas.. pupuntahan daw ako ni TJ at Paolo bukas sa audition ko... at pati daw pala si Pinggoy... Sana sila R-chi at Ramch at Justine at Jessie din... I mean makita ko, hindi pumunta sa audition... pero pede din...
haay...

Maaga pa ko bukas... audition na naman... hindi ko pa nga sure kung papayagan ako ni mama umalis eh! hehe... dadating daw ata ang katulong bukas... so sana payagan ako... kasi kung hindi... maraming buhay ang masisira...

haay...

si justine... yung kaibigan namen sa ferocitas... taga laco... magti trinity siya this coming year... sasali din daw sa philippine idol... sabi niya sa megamall dati, pupunta daw siya sa audition bukas... sana magkita kame agad... hehe... AT! si pao azul din... San beda college glee club! hehe... sasali din daw siya... hehe... magaling yun! sana pumasok siya! at sana pagpumasok siya, ako din! hehe...

sige guyz... tulog na siguro ako... salamat po sa lahat ng tulong na nagagawa niyo sa ken! at kay nette, jasper at miko (bong) na nakasama ko kania at nilibre sa gateway ng pagkain... (naka 300 exact kame) salamat guys! see you soon... lalo na si nette at miko na sasamahan daw ako sa picc sa saturday... sana si jonathan din...

sige guys! til next time!

Tuesday, May 30, 2006

excited!

excited!


Ay! gravah talaga!!!

excited na ko... nalaman ko ngayon ngayon lang na sila ryan cayabyab, pilita corales at francis m. ang mga judges... hehe... pilita corales? hmm... pede na yan siguro! tsaka ang alam ko mabait yun... hehe...

ang galing galing! gusto ko talaga pumasa! sana... kahit alam kong hindi ako papasa... hehe... hindi naman kasi talaga ako makakapasok dun noh! ang dameng magagaling sa singer na sasali! eh ako sa banyo lang ako kumakanta noh!

hehe... w8 lng...

magpopost na lang muna ako mga pics...

medyo nakakatamd na magonline

medyo nakakatamd na magonline

alam niyo... yun nga... wala ma ko masyadong magawa dito sa mundo ng internet! haay... nakakatamad...wala na kong ginagawa talga... naka online lang... tapos wala naman gingawa...

eh kasi naman... hindi na nag a update ng blog sila nette at joyce... si tin din bihira na mag update... hindi tulad dati... tapos ngayon... wala lang...

nag tag si anne... may blog na din pala siya... hehe... at si aefril din ata... at oo nga pala... si niƱo din pala... pero hindi ko alam mga url nila... haay...

mga tao! mag blog naman kayo!

may feeling talaga ako na hindi nga ako papasok ngayong sem... haay... nakakalungkot man isipan pero wala tayong magagawa... tag gipit eh... unless may magpapa utang nga 11 500... josko! mahabaging langit! ang taas na ng tuition naten! god!

at eto pa... may feeling din akong hindi ako papasok sa philippine idol... eh kasi naman noh! asa pa ko! haay... nakachat ko si harry kagabe... almost everyday na nga kami nag cha chat eh... tinanong ko siya kung ano kakantahin ko... sabi niya saan... sabi ko nga sa PI... tapos sabi niya... josko! seryoso ka ba? ...sabi ko oo... sabi niya sige... gogogo daw... malay daw naten, ako na ang susunod na sisikat... oh di ba? kumusta naman yun... asa pa...

pero this doesn't mean na hindi na ko mag o audition... itutuloy ko pa rin ang mga kalokohan ko noh! hehe... it's fun kasi eh... sobra... dapat i try niyo rin... may kakaibang saya talaga! hehe... meron pa kong dalawang auditions na natitira... at sisiguraduhin kong i eenjoy ko every single bit of it... hehe... oh di ba? taray!

oo nga pala... si tj din.. tinatanong ko kung ano kakantahin ko... sa kanya ko nakuha yung idea na knocks me off my feet kakantahin ko... AT! ang plano... sa june 1... pupunta sila ni paolo sa sm manila para panoorin ako... AT! magadadala pa daw ata sila ng mga klasmyet?! josko! wag naman sana! nakakahiya yun. pag pumiyok ako ako o kung anu man... sila ang mapapahiya... hindi ako... hehe...

si abdul din daw... pupunta ata... hehe...

saya noh?

sabi ni abdul hindi daw niya bibisitahin itong blog ko hanggat andun yung movie na ginawa ko na andun yung mukha niya... hala naman... bahala siya... eh pinakita ko lang naman dun yung mga kaibigan ko dun sa movie na yun di ba? at siyempre, hindi pede na wala siya. haller... beshy ko kaya yun...

haay...

sige yun lang ata muna...

bukas mag eenrol na ata talaga sila jako... malamang hindi ako makaksabay kasi nga hindi ko pa alam kung mageenrol pa ako ever para sa se na to! haay...

so... kumusta naman yun di ba?

sige na... bye!

Monday, May 29, 2006

go go go!!!

GO GO GO!!!

grabe



ang saya naman!



meron na akong nagawang dalawang videos! hehe! ang saya saya! yahoong yahoo! (yuck!)



...pero



haaay....



hindi ko alam kung makakaenrol ako ngayong sem... wala daw pera si mama... puro utang kasi eh... kasi nga gusto niyang umalis sila ate at kuya at kung sino sino pang tao... pina ngingibang bansa niya... haay...



ok lang naman sa ken na huwag muna mag aral eh... pero sayang lang... atsaka anong gagawin ko pag hindi nga ako mag aaral?! naka tengga lang ako dito sa bahay?! haay...



atsaka... feeling ko pag hindi ako nagaral ng isang sem., mawawalan na talaga ako ng gana mag aral for the rest of my life... haay...



ewan ko kung nakaenrol na si yna at ahlly at kung sino sino pang tao... pero ang sabi ni yna sa ken kagabe, ano daw, sila jako daw sa wednesday pa mageenrol... ang rason? kasi wala pa daw mga pera ang mga tao... i think i'm one of the "mga tao."



eh kaso nga hindi ko alam kung kelan magkakapera si mama pangenrol ko o kung magkakapera man siye ever... sana naman oo... pero yun nga... hindi sure...



josko!



sana makapasok na lang ako sa hinayupak na philippine idol na to! para naman magkaroon ako ng libangan pag hindi ako papasok... libangan eh no... hehe...



hay nako...



meron na kong bagong pinagaaralan na kanta... knocks me off my feet... stevie wonder...



ok lang naman yun eh... pero papasikatin ko pa rin ang alone ni heart... soon... ok?



sige na...



oo nga pala... panoorin niyo yung dalawang videos ko ha... sa profile ko dito sa blog at sa friendster... (pareho lang yun! kaya kung binabasa mo na to, itong nandio na lang panoorin mo... pero bahala ka! basta panoorin mo!)



bye!

Thursday, May 25, 2006

Summer Class, OVER!

Summer Class, OVER!


Finally! Hehe... I will finally get the rest that I want... Although I'm not sure about my grades. I think I sucked! Big time! (That came out wrong)

Ok... American Idol season 5 finale... Katharine McPhee vs. Taylor Hicks... I want Katharine to win because I think she will really do good... But I don't she will... I think Taylor wil... It's just that he did better... In terms of entertainment value. I think Americans will remember him more than Katharine...

Tomorrow will be the results... live... 8:30 here in Manila... I'll wake up! hehe... Just to watch it. And for sure, Mama will be angry again. Hehe... Hope not.

So... I'm trying to change my layout. again. so...

I'm excited for my audition. On Staurday.Grabe. hehe... Sana maayos ko na pagkakakanta ko at ng sa ganon eh magkaroon ako ng chance na makapasok.

so...

Sunday, May 21, 2006

hala namn...

hala namn...


Hala talaga! Grabe!


Start na ng finals nmen tomorrow... At grabe! wala pa kong ginagawang preparations whatsoever! Puro na lang APC... Hay nako! sa loob ng 24 hours... as of now... naka apat na ako... bat ganon? ano ba nangyayari sa ken!!!


Bukas case presentation na namen... yung dalawang grupo naging tatlo kasi nahati yung grupo namen... hindi ko pa nga nababasa yung amen eh! shitness!


Sana wala ng curse... ano ba to!


sa 24, punta kame sa bahay nila vanessa... hihi... mag sasaya... masaya din mga bago kong kasama lagi na mga kaibigan ngayon. ang saya! ako nga lang lalaki sa grupo eh... hehe... alanganina pa... wahaha! sobra... hihi... sayang aalis na si vanessa... iyak na tayo... haay... ok lng yun... matagal pa yan...


yesterday, saturday... ang nangyari...


quarter to ten ako dumating sa dunkin donuts... umalis kame dun ng ten thirty... dumating kame kela shine ng mga twelve ata... hihi.. tapos gumawa... hindi kame kumain dun... mga chitcheria lang ang kikiam at tinapay at donut (bumili si rowena)... sinubuan ko si donna ng donut... nag pusoy dos kame... inasar si jeks... tapos umalis kame ng mga six... si donna sumakay na ng bus... pauwi... kameng tatlo (rowena, vanessa at ako) nagplanong manood ng sine kaso nga yung mga katulong nila vanessa may party na aatendan so sa kanila na lang kame pumunta... nanood kame ng shrek 1... yung two pa dapat kaso gagabihin na masyado... so kumanta na lang... magic sing... halos ako lang nmn yung kumanta... hehe... tas mga ten thirty... nag browse sa mga magazine... tas umuwi... hinatid kame ni vanessa sa gate... sumakay kame ng jeep... bumaba kame ni rowena sa supa... hinintay ko siya makasakay... bumalik na ko sa amen... mga twelve na siguro nun... tas ayun na... nasa bahay na ko... hehe...


kanina, tumawag si addi... sabi niya akala daw ba niya audition ako... sabi ko kasi magpapasama ako sa kanya... sabi ko sa next sunday pa... 27... tas sabi niya sabado ang 27... tas sabi ko, oo nga noh... buti na lang tumawag siya kundi na miss ko sana yung audition sa saturday... salamat addi!


balak ko mag bago ng skin kaso wala ako makita matino... isa pa, tinatamad ako... hehe


so ayun... hindi na ko nakasimba kasi wala tao dito sa bahay... at eto pa, walang pagkain! grabe! ano ba to! tapos maglalaba pa ako! eh 7 pm na oh! shetness!


sige bye na muna!

Thursday, May 18, 2006

Bye bye Elliot!

Bye bye Elliot!
Tanggal siya!!! woohoo!!! yes yes yes!
Go Katharine! Kaya nten to!!!
Magkikita tayo sa World Idol 2! Ok?!? Wait for me!!! mananalo ako sa philippine idol tas maglalaban tayo! woohoo!!!
hahaha!
sige... bye...

Thursday, May 11, 2006

PIHILIPPINE IDOL!!!

PIHILIPPINE IDOL!!!
THE AUDITIONS AND FAST TRACKS


The Main Audition dates for Philippine Idol are:
June 3 – PICC, Manila
June 23 – Davao (venue to be confirmed)
July 4 – Cebu (venue to be confirmed)


* If you want to win a chance to bypass the long queue at the audition, there are "Fast Tracks" held being held by RMN, MBC and SM at various SM Malls.


* Fast Tracks winners outside of Metro Manila, Cebu and Davao also win free transportation and accommodation to the closest of the three Main Auditions (i.e., Luzon winners go to Manila, Visayas winners to Cebu, Mindanao winners to Davao).


FAST TRACK SCHEDULES


Fast Tracks schedule in May follows:

May 12 – SM Fairview (Quezon City), SM Lucena (Lucena City) and Pacific Mall (Laoag, Ilocos Norte)

May 14 – CSI Mall (San Fernando, La Union), Mart One (Cagayan), CSI Mall (Dagupan, Pangasinan) and Pacific Mall (Legaspi, Albay)

May 15 – SM Megamall and SM Pampanga (San Fernando)

May 17 – SM Bacoor (Cavite; May 18 – SM Dasmarinas (Cavite)

May 19 – SM Bicutan (Paranaque)

May 26 – SM Baguio

May 27 – SM South Mall (Las Pinas) and SM Sta. Mesa

May 30 – SM Valenzuela.

June Fast Tracks will be announced over RMN and MBC radio stations.

CONTESTANT REQUIREMENTS

* Contestants must be between 16 – 28 years old on July 1, 2006 and must be Filipino or holding dual citizenship (possessing Filipino as well as foreign citizenship)

They must bring:

1. Two (2) photos: One (1) close up (at least passport size) and one (1) full body (at least 3R size)

2. Original and two (2) certified true copies of birth certificate

3. Contestants with dual citizenship must also bring original and two (2) certified true copies of his/her Philippine passport

4. One (1) picture ID – passport, driver’s license, SSS/GSIS ID, school or company ID and/or professional ID

5. Completed PHILIPPINE IDOL Application form

* Contestants must prepare to sing two (2) songs -- one fast song, one slow song. No need to bring a minus-one

* Contestants must dress to impress, but please don't wear clothes with logos.

Application forms will be available at the venue and at www.philippineidol.com

Note that all contestants who are minors (i.e. under 18 years old) must have their application form signed by either a parent or a guardian.

Registration during the Fast Track Auditions is from 10:30 am to 12 noon KAYA AGAHAN!!!




shetness!!!

pupunta ako! sa megamall at sm centerpoin... sta mesa pla... ayun... mag a absent ako sa monday... ethics at history! bwahaha! bahala sila! maaga naman daw eh. Sana walang gawen sa monday... sana sana sana...

uy guys!!! two songs daw! slow at fast! suggestions suggestions!!!

tag niyo ha!!!
pls pls pls!

Tuesday, May 09, 2006

I LAB... ule...

I LAB... ule...
I Lab siyempre...

Katabi ko si Yna sa aking right at si JAPOKS sa aking left... Nyehehe! Sosyal! Wala lang... tapos na sa likod ko si Ivy na katabi si Nette na katabi naman si Onin..

Andito din si Aefril, Van, Anne at Kim... Ewan ko kung sino pa ang nandito...

Nabasa ko blog ni Joyce... (Na hindi ko pa naaayos ule...) At dapat niyo din mabasa... I think it's rather harsh... For the people involved... I hope lang na hindi niya mabasa... Kasi pagmumulan na naman to ng away... Haay... At si Anonymous pinagsabihan niya din... Wahahaha! Buti nga sa 'yo Anonymous ka!

Actually, may long quiz kame sa Stat ngayon... So actually, we should be leaving right now and head to the library... From I Lab to Layb... Wow! Nyahaha... Sabi ni Arvee nakakahilo daw... Kung si Arvee nahilo eh ano pa kaya ako? Magsusuka na ko!

Nga pala... Naka-chat ko si Harry kagabe... Tungkol sa recently concluded singing competition na Pinoy Pop Superstar... Actually, ipa-publish ko nga sana 'yung pinagusapan eh kaso na signout ko... eh 'di poof! nawala!

Sabi niya, madami daw nag expect na sila ni Aicelle ang top 2... Eh kaso nga si Gerald 'yung nagtop 2 at nanalo... Sabi ko sa kanya mas gusto ko sana manalo si Aicelle... Parang siya din ata... not sure...

So ayun lang... aayain ko na si yna umalis...

Hindi pa din nag pa publish ng entry si Ahlly. Azzar! AHHLLLYYY!!!!

Monday, May 08, 2006

I LAB!!! I'm back!

I LAB!!! I'm back!

Yehey!!! I'm back!!! Yehey!

Gamit ko po ang account ni Jako... Hehe... Ubos na kasi 'yung aken remember? Hehe... Hiningi ko sa kanya 'yung kanyang student number... Ayun... Tapos... I think I made him feel bad... Kasi tinanong niya ko kung alam ko 'yung birth date niya. Sabi ko hindi sabay tawa. eh pagtumatawa pa naman ako ng ganun nagagalit siya. Eh alam ko naman talaga birthday niya noh! (March 16, 1989)

Joke! March 8!

Okay?

Nagstart ako ng entry sa joint diary namen kaso ano... Eto ako ngayon nasa I Lab nagta type ng entry... nyahaha! Nagtest kame kanina sa History... Sana pumasa... Sabi nila madali eh nahirapan ako... Ano kaya 'yun... Ang bobo ko na...

Ang dame kong naka schedule na gagawen...

Bukas... Ililibre ako ng anak ko sa Jollibee sa may Welcome... Birthday niya sa Wednesday eh... Kaso malamang daw lumabas sila ng pamilya niya nun so bukas na lang... Sana matuloy... Hehe... Iisip pa tuloy ako ng regalo... Haay... Eh wala na akong pera... Nako naman! CD ng ps2 alam ko magugustuhan nun... Kaso hindi ko alam kung may maganda na tig iisang daan lang... Hay nako... Bahala na... Basta...

Tapos sa Saturday, na sched kame nila Yna na pumunta sa Divisoria... Uy! Gusto niyo sumama? oo... ikaw! Kahit hindi mo kilala si Yna ok lang yan! Samahan niyo kame! Dali na! Para masaya! Tag lang ang gustong sumama! OK? Pati 'yung mga hindi sasama mag tag din! ok? Required ka mag tag ha!

Tapos within this week or maybe next week... Mag a-ice skating naman kame sa Mega mall... hehe... Cortesy (?) of my crushness... Hehe... Si MARIE/KIT po ang tinutukoy ko... Si Marikit... Si maganda... Si beautiful! Hehe... O di ba? May mga ticket kasi siya... Tapos 'yung rent na lang daw ng skating shoes ek-ek ang babayaran which is 60 pesos daw po... So ayun... Eh wala akong pera... hindi ako makaipon kasi ang takaw ko na these days! Grabe! Oo promise! OK?

Tapos... Itong si Jako naman... Merong na discover na test churva... Ano daw... Magte-take ka lang ng test... tapos babayaran ka ng 10,000... naniniwala ba kayo?... Ako din hindi eh... Eh since friend ko naman si Jako, naniniwala na lang ako... Malay natin totoo 'di ba? 10,000 din 'yun! Actually, 9,000 na lang... Kasi kukunin daw ni Jako 'yung 1,00 since siya naman daw 'yung nakadiskobre... Fair enough... Si Yna hindi masyado bilib... Hindi pa rin siya kinakausap ni Jako tungkol sa dapat pag-usapan... Si Ahlly naman ewan ko... ewan... hindi ko alam kung galit pa din... Basta ako wala na akong isyu... Meron pa rin akong mga tanong na hindi nasagot pero wala ana akong pake kung hindi na siya masasagot... Tangina lang kasi ni Anonymous... Na ayon kay Jako ay hindi siya... Tangina na mo Anonymous! May you rot in hell! Sana masaya ka sa ginawa mo! Basta ako nakausap ko na 'yung mga dapat kausapin...

Ay! hindi pa pala! Si nette kakausapin ko pa... Tungkol sa isang bagay na pinahintulutan na ako ni Jako na itanong sa kanya... Sana hindi masama...

'Yun lang muna...

Salamata sa iyong patuloy na pagsubaybay sa walang kwenta kong buhay... ok? (Lyrine kept on popping in my head! Ba't kaya?)

'Yun lang... Hindi pa ko nagbabayad ng tuition... Wala pa din akong nililigawan... Wala pa din akong girlfriend... Hanggang crush lang pa din ako... Mahilig pa din akong mag-APC... Nagsusulta pa din ako sa joint diary namen... Hanggang forever na daw 'to... Hindi na ko madalas makapagsulat sa aking diary... OK lang... naiintindihan naman niya... Besides, I think hindi pa naman necessary... I know when it is... I don't know how but I just do...

Ayun... Hindi ko pa din ma post 'yung mga poems... One of these days... I guess... I hope... I pray...

Wednesday, May 03, 2006

Friends...

Friends...
I'm talking about the t.v. show F.R.I.E.N.D.S. here ok? ... So... It's really fun! Fav. show ever... Ngayon ko lang narealize na next lang pala ang Will and Grace... So bale... Charmed pala muna... 'Tas Friends... 'Tas Will and Grace...

It has been a great show... Grabe... 10 years din 'yun... At ang Charmed is in its last season na din... 7 years ata? I'm not really sure... Will and Grace? Ala ako balita eh... Pero feeling ko wala pa 'yan... matagal pa...

So... I talked to Kit (Marie) a while ago... for more than 30 minutes... That was the first time... Sosyal noh? Hehe... Galeng... Crush ko 'yun 'di ba? Naaalala niyo 'yun? Hehe... Oh well...

Speaking of crush... Kath gave me a CD yesterday... An Audio CD... Wala lang... Mga favorite songs niya daw...

"Every little thing I do, never seems enough for you... Baby when you finally get to love somebody. Guess what, it's gonna be me..."

Parang kanta ko sa kanya date 'yun ah... Seryoso... Hindi ko nga sinabi kahit kanino eh... Kaya nagulat ako nung narinig ko 'yung track 13 nung binigay niyang CD... Nyahaha! Alam?

Well, hindi na siguro posible 'yun noh... Or is it?

Pede pa kaya?

Hindi na ata...

Dinig ko meron na siyang P******

Parang mura lang ah!

Nyahaha... Huwag kayong ganyan! Mahal niya 'yun... Nyahaha... daw...

*I'll go cry now*

Nyahaha...

Uy! Don't forget to visit Yna and Ahlly's blog ah! OK?

Nood na ko ule ng mga dinadownload kong Friends...

I love DSL!

Monday, May 01, 2006

Landline...

Landline...
I just talked to Yna for 1 hour, 11 minutes and 40 seconds! Woohoo!
It's really nice having a new landline phone... :) ...I'm asking my son, Raffy, to call me later... so I'm waiting...
Actually, I'm suppose to be making my assignments in Phil. History right now so I should...
OK?
I'll write to you later... I guess...
Ta-ta!