Thursday, November 30, 2006

Nakakainis!

Hay nako!

una sa lahat, walang pasok! shet di ba!? hay nako talaga! wala kasing baon... paano ako makakaipon nito pangbayad sa napakalaki kong utang! josko!

Pangalawa, wala rin pasok bukas... Hindi tuloy ang panonood ng play sa UP... Asar!

Pangatlo, may bagyo daw... oh my god talaga! nakakaasar!!! umuulan na nga eh... ayan oh... azar!!!

Pang-apat, nakakainis! Kinailangang magreformat ng PC... Tapos ngayong nareformat na, ang dameng walang programs at files at kung ano ano pa!

Pang-lima, And bagal ng Internet namen! Parang hindi kame naka DSL! Naka SMART BRO kasi kame, eh umuulan, so wala masyadong signal ang smart... SO goodluck... Sana ma post ko pa tong entry kong to! BADTRIP!

Pang-anim, may mga na delete akong mga pictures! nakakabadtrip talaga! Yung mga pictures nung high school pa naman yung iba dun! at yung mga pictures nung swimming! nakakainis talaga!!!!

At ngayon, hindi ko na alam kung ano gagawin ko... manonood na lang ata akong TV!

Sana hindi mag brown-out! Utang na loob!!! Ayoko na ng limang araw na walang kuryente!!!

Sabi pa nman sa balita, mas malala pa daw siya kay Milenyo! So goodluck!!!

No comments: