Thursday, September 21, 2006

announcement...

sa mga taong nagbabasa ng blog na to...

especially... mga taong gusto makita yung iba pang PAGRAI pics at kung anu ano pang pics... hehehe... so wala atang ganon... kahit na... iaanounce ko lang na may multiply na ako... bisitahin niyo na lang...

www.francismoses.multiply.com


ok? gogogo!!!

PAGRAI first timers... again...

So... As i was saying... :) ... Ayun nga... ako nga yung unoficial photographers... At sa bus pa lang eh may mga nakuha na akong sandamakmak na pictures... eto ang ilan sa kanila... (ayus na ule ang blogger!)


Sa BUS


mangilan-ngilan...

madame-dame


dadalawa


medy0 mag-isa

Si sir

So ok... pag abot namen don... habang naglalakad... picture-picture pa din...

Sa Kalye

On the way... haba pila ah!

wala na... nagloloko na naman blogger... nde na ko makapag upload... haay...

next time na lang ula... mamaya yung next time na yun... sana...

PAGRAI first timer... hehehe...

So yesterday... we had our first PAGRAI experience... Masaya siya... And I was one of the unoficial photogpraphers of the class... I had fun taking pictures of my classmates and friends and of course, of myself...



So, where did I get the camera (which was a cybershot, by the way, which I don't know what's so special about it that my classmates kept on asking if its a cybershot... jeez!)



Well, it's my Ate's and I saw it lying on one of the emty boxes so I took it... hehehe...



Sa bus pa lang, todohan na ang picture-an... OK? This are a few I took from the bus...

hala??? bat bawal na magupload sa bloggger??? ano nangyare... teka ga! kain muna ako!!! mamaya na tong blog!!!

Sunday, September 17, 2006

unbecoming

its been a long time...
ninyo is complaining for being the only one who updates his blog. eh sa busy 'yung mga tao eh! ito talaga!
well... i'm having a lot of fun.. lots! but there are these moments when i'm feeling, i don't know, incomplete... something is not right... (kasi may left)... haha... no, seriously, like right now... I'm feeling a little incompetent. And uncapable to do things... Maybe even unhappy... And I don't like it...
Siguro kasi ang dameng gusto kong gawen na hindi ko naman pala kaya... Tulad na lamang nga pagiging SNA Gazette staffer... Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano ko gagawin 'yung article na na-assign sa akin. Eh kasi naman. Wala akong kaaydi-idea kung ano yun... CPCR... the new CPR... my golly!!!
Bahala na... malamang i quit ko na lang siguro siya... nakakainis!
tapos 'yung ana ko... napaka disturbing talaga... Midterm na naman na kasi... At 71 for midterms!? 72 ba? Whatever! Bagsak pa din... Ngayon lang ako nagkakaganito... i mean bumabagsak... Shit!
Anyway... Basta.. Minsan masaya naman eh...
Yesterday, Saturday... We had our first community... Baybay Sapa... Nagtimbang kame ng bata at nagbigay ng Vitmin A. Ako taga timbang... Masaya kahit medyo magulo...
Pagkabalik ng school, wala akong kasama so hinintay ko na lumabas ang section 17... hindi na ako pumasok ng philo kasi after namen kumain ng lunch sa mcdo eh nag gateway kame... first time kong hindi pumasok para maglakwatsa... Ay! Second time na pala! Yung una, philo din kaso hindi naman natuloy ang klase nun eh. at hindi nag attendance... So, kahapon lang ako umabsent para lang magliwaliw! At hindi na mauulit yun! ang umabsent! Buti na lang talaga at worth it ang pag absent dahil sobra saya!
sino sino ba kame kahapon... nette, joyce, ninyo, miko, nathan, kim, ivy at ako... may nakalimutan pa ba ako? sana wala na...
ayun...
lakad lakad lang... window shopping... flatuence.. picture-an...at kung anu ano pa... wala lang...
nung uwian na ang pinaka masaya... kasi naiwan kameng tatlo, joyce, miko at ako... dapat mag mu movie kame... kaso nawalan na ng gana si miko... kakain na lang daw kame... sabi ni miko...
"joyce manlibre ka na lang ule ng pizza hut!"
sabi ni joyce
"wala nga akong dalang pera!"
sabi ni miko
"papautangin kita nitong five hundred ko tapos libre mo kame!"
sabi ni joyce
"ang utak talaga nito! Sige na nga!"
sabi ni miko
"ang sarap talaga kasama ni joyce!"
ayun na... pizza hut na! hehe... tapos sabi ko
"sabihin naten isa sa aten may birthday!"
tapos pumasok na kame... tapos sabi ko happy birth day joyce!
tapos umorder... gusto ko kasi sana cheezy volcano na beef something... yung bago... kasi yun paborito ko... kaso ayaw ni miko... so ang pinapili namen kay joyce ay... carbonara at 5 cheese... carbonara daw... tama ba? yun ba talaga pangalan? basta! yung nasa taas ng 5 cheese dun sa menu... tapos, ang kinuhang pangalan eh kay miko... eh si joyce nga kunyari ang may birthday!
tapos kumain! ... kwento...
nung malapit na kame matapos... bigla may sumigaw...
"its sir miko's birthday!"
akala namen sa ibang table kasi nga si joyce dapat may birthday! eh wala... dun sila kumanta ng pag ka lakas lakas! wahaha! ayun na... yung ice cream na may candle si miko ang umihip at nag wish! tapos binigyan pa siya nga eird na colorful na hat na gawa sa felt paper! hahahaha! saya!
pag balik nung babae na waiter... baka manager... sabi ni miko...
"siya po talaga may birthday" *turo kay joyce"*
waiter:
"ay ganun po ba? sorry po"
sabi naman ni joyce:
"hindi po, hindi po..."
wahaha! ano kaya yun?! nahahalata tuloy na wala talagang may birthday! hehehe! saya!
sabi ni miko pagkaalis nung waiter:
"ano ka ba! wag mo itatanggi na ikaw may birthday!"
ayun na... umalis na kame...
tapos nag aya ako na manood ng sine! hehe!!!
o cge naman sila... kaso wala ng pera! so mag wi withdraw muna si miguel at papautangin uli si joyce... so punta shopwise... tapos balik sa gateway! sumakay kame ng shopwise mini bus.. tas ayun...eh kaso nag start na mga movies tapos last full show eh 9 30 pa... so hindi na lang...
nag aya ako sa ali mall! so punta kame! try na rin daw namen!
dumating kame 830... ang last full show nag start ng 8 15! hai nako malas talaga!
hehe... manonood dapat kame ng american dreams! yes... come on! hehehe... paborito ni miko sa mandy moore... sa mga hindi na kaka alam, lahat ng movies ni mandy moore, meron siyang original vcds! woohoo! hahaha! saya!
tapos medyo umikot ikot na lang kame sa ali mall... tapos nag taxi si joyce... nag lagro si miko... at nag proj 4 ako...
pag dating ko sa bahay... philippine idol na... nanood ako sa kwarto ni uncle baby at first time yun na madatnan nya ako na nanonood sa kwarto niya... ok lang... tapos tinapos ang philippine idol... and then voted for mau... 5 times... oh di ba!!! ewan ko na lang kung hindi pa pumasok yang negrang pangit na yan na magaling kumanta!!!
hehehe...
ayun lang... mamaya eh papanoorin ko ang results ng binoto ko... ok? nood din kayo philippine idol!

Friday, September 01, 2006

Talunan! Insignis...

we are losing... And i'm not liking it...

Natapos na ang cheering kahapon... we lost... cenenniales nanalo... whatever... we were good though... real good... kung kaya naman hindi ko alam kung baket kame natalo... haay... nako... whatever... basta alam ko panalo kame... pang non-stop kaya yung sayaw namen!!!

akala niyo! promise! iyu-youtube ko yun soon... at mapapanood niyo kung gaano kae kagaleng... hehehe...

hindi pa kame nananalo sa kahit anong game... oh wait, nanalo na pala si Ron... Pero magaling yung team namen... lumalaban... both sa basket at volley... ang galing nag volleyball namen!promise! go Yancy! Go Don! Ang galeng nung seciond set... Natambakan namin sila ng 13 points! 3rd set nga lang talo... Haay...

Namo mroblema ako sa Sunday... Hanggang 10 kame dito sa school DAPAT. Eh paano yung debut... AT! paano si Kath... hindi pwedeng umabsent siya sa Sunday noh! Hello eh president laya siya ng 17! Paano na naman 'yung kanta... Tapos may kanta din ako... Eh paos na paos ako kaka cheer noh! Shet!

Bahala na talga ever...

Simula na ng performance ng Philippine Idol sa Sunday... Hay nako ever...

Wala na akong maisulat ever...

Sa Sunday na din ang talents unlimited... Good luck Gem at Kit... Sana manala tayo... Ang saya siguro kung sila lahat yung first place second place at third place noh?! Woohoo!!! Saya ever! Panalo na sa overall...


o cge na...

Tuesday, August 29, 2006

Computer Excel...

o ha!!!!

astig!

may internet ang comput er lab namen... hehehe... ganun kabulok ang trinity... hehehe... wow na kapag may internet ang computer lab... hehehe... joke... hi tech na din ang trinity kahit papaano... nag i scan na ng id kapag pumapasok sa library... take note: sa library... hindi sa gete... ewan ko kung bakit hindi nila gawin sa gate yun... para tipong la salle at beda na rin kame... ay ewan... hihihihi...

according to ma'am... 256 columns in an excel sheet and 65,536... ok... fine... hehehe...

katabi ko si Gladys, ang henyo ng section... hehehe...

ayan... may pinapagawa ng activity...

kinakabahan na ako ha... babagsak ata ako sa anatomy talaga... ayoko... hindi ako papayag... ayoko matanggal sa trinity!!! kahit bulok dito napamahal na ako! PROMISE!!! sana kayanin... this is one of the best nursing schools afterall... kaya gogogogo....

Tuesday, August 22, 2006

Lng long time...

Ang tagal ko ng walang any form of autobiograhy.... pack! No blog, no diary... Ang busy busy kasi eh...
Tha pass few days had been so intense... Intensely tiring, intensely hard, intesely fun, intensely happy... Basta! Intense!
Tapos na Mid-terms... And today is the first day of Semi-finals... And we had our first discussion in Anatomy for Semis... Digestive System... New prof... Same in Lab though... Sa Lec lang iba iba... trip trip lang... hehehe... Hindi... para daw isa lang ang alam ng buong batch, isang prof or doctor ang magdi discuss ng isang organ system... so 'yun...
After nung mid-terms, sabi nga sa blog nila onins at joyce at ng tropang walang gawa, nag celebrate kame... Friday, after ng Ana test at ng practice sa chorale, at about 8, Kath, Joyce, Ninyoh ang I decided to go to Metrowalk... Eh panget... So Naglibis kame... Nagtago tago pa si Joyce sa tita niya na nasa car at kame ay naglalakad sa sidewalk... Hay nako... Saya!
Sa Libis... Haay... basahin na lang ang tropang walang gawa blog... ok?
Masaya ako nun... At ewan ba... mas masaya ako kasi aksama si Ninyoh... Charing... Si Kath... Ewan... Ngayon lang natuloy na lumakad kame...
muling ibalik ang tamis ng pagibig!
hehehe...
Napainom siya ni Ninyoh ng alak ng wala sa oras... hehehe...
Haay... tapos natulog ako kela Ramch... Minolestya ko siya... hehehe... joke lang... mamaya may maniwala na naman eh... tapos gising ng 9... ligo... nakausap ng onti si kuya JP... tapos alis na... nakipagkita sa ilang berclimmicks... mga inabutan ko? si R-chi, JC... Si Pinggoy at si Rjadz... Nag celebrae si Hanna at Addi ng aniv. nila nung araw na 'yun... Congrats guys!!! :)
Ayun...
I'm so so busy write now... As IF! hehehe... pero totoo... medyo masaya ang linggong ito para sa aken... Pati na rin yung next... Why?
This week... hmmm... Practice ng cheer... Ang competition day is either this comeng 31st or 2nd or 3rd... So todohan na ang practice... It's already 22nd of August kaya... hehehe...
Pero... ang concert... kumusta naman... 24th na... Eh may practice din ako ng cheer bukas... practice din ng kanta bukas... paaano na?!?!!? wahehehe....
ito ang masaklap....
di ba ang prelims kois 80... mataas daw...
mataas ba??? o cge...
ngayon ang forst day ng semis at binigay na ang ana grade namen for mid terms... ganito ang computation...
prelim grade: 30% (lang!!!! pohtah!)
initial midterm grade: 70% (patay!!!)
final midterm grade: 100%
ano ang grade ko?! prepare for total domination!!!!
prelim grade: 80

initila midterm grade:

drum roll please!!!!!

tumataginting na....


62 point something!!!!!

yahoo!!!!

so lumalabas... na...

ang final midterm grade ko ay....

70.91!!!!

celebrate!!!!




alam niyo... mas mataas pa sa ken yung ibang tao na nakakuha ng mga 74 at 73 at 60 something nung prelims... nakakahinayang... wala akong pinasang quiz maski isa... at may namiss pa ako na 20 points... makakabawi pa ba ako!?!?!?
haay... sana kaya pa...
o sige na... medyo pagod na ako... alam mo naman... CS mamaya... tulog muna siguro ako sa library...

Friday, August 11, 2006

hi guys!

i can't read the tags!!! waah!!! ilang linggo na kameng walang DSL... ayaw na bayaran ni Mama 'yung MyDestiny kasi wala daw kwenta... palitan na lang gaw ng iba... so... pinapapunta ako ni Kuya sa Mega Mall para mag inquire at magpakabit na rin... Wala ba talaga sa Gateway o Sta. Lucia? Sino gutso sumama sa ken? Tropang Walang Gawa! Calling Calling! :)

Speaking of...

Gumawa ako ng blog namen kaso tatlo pa lang pa din ang members hanggang ngayun... Ba't ganun?!!? Hmmm...??? JAKO! JOYCE! KIT! MIKO! Ano na?!!?!? Accept accept naman jan! Dapat si Jen din noh? Haay...

ang URL nga pala is...

www.tropangwalanggawa.blogspot.com

ok??? hehehe...

enjoy niyo siya ha! at kayong mga hinyupak kayo, magsulat kayo! hehehehe... :)

bat kaya ang saya-saya ko eh it's oficial... Ano ang oficial? teka, spell oficial? double "f" ba? ewan! So, what's oficial? this is oficial: We had our last practicals and written exams sa ana for midterms and its's oficial... WALA AKONG PINASA MASKI ISA!!! Woohoo!!!

hay nako... kumusta naman... ine expect kong grade? 64... haay... kaya ko kaya bumawi sa semis at finals? hirap!

sinabihan na ni Nette si Elein na basahin 'tong blog na 'to... I wonder kung nabasa na niya... haay...

Speaking of her... Lumayas na siya sa poder ng Tita niya... So ngayun, naghahanap siya ng matitirhan... Dati, may plano kame talaga na magdorm... naaalala niyo ba yun? yung sabi ni Mama sa ken... So ngayon iro na siguro 'yun... Merong sinasabing bahay si Gift... 4T daw... wala pang kuryente at tubig... Hindi ko pa alam ilan ang capacity pero paranga pede ata 4 or more... so... mas madami, mas less burden... tama? so, sino gusto sumama???

hindi ko pa rin na papapalitan yung check... meron daw sa quiapo... kaso babawasan ng 150 pesos... ata... ok na yun! kesa hindi mapapapalitan di ba?! :)

parang gusto ko magbago ng theme sa blog... gusto ko gayahi9n yung blog ni tsoknatworld na masaya... paranag ganun... sa tropang walang gawa na lang ako magsusulat ng mga hinaing ko... what do you think? or maybe... it should be the other way around! tama!!!! hehehe!!!!

saya! o sige na! magsusulat pa ako sa tropa... visit niyo guys ha!!!!

Friday, August 04, 2006

OH MY GOD!!!

I'll join the people complaining about Anatomy na!
so guys... :'C !!!!!
80.54 ang grade ko sa pre lims... pasado... pero...
josko!!! alam niyo ba kung ilan ako kanina sa practicals!?!?!
6/30!!!!
kumusta naman 'di ba?! 70 persent ang passing... para makabawi, kailangan kong maperfect ang susunod na dalawang 30 item practicals... asa pa ako! packsheet! ang hirap na bumawi nito... lugmok na lugmok na ako sa putikan! haay... :'C
meron kasing birthday celebration kagabe sa bahay... at kinausap ko si ramch at addi at yna ng hanggang mga 12... one at a time... basta... hindi ko sila sinisisi... pero sana nagaral talaga ako... kasi ang hirap talaga bumawi kapag ganito... maghahanap ako ng school nito na malilipatan eh!
haay...
on other matters...
dumating na 'yung check ko!!! yehey! $75!!!
akla mo naman kung gaano kalaki eh noh! hehehe... masaya lang ako kasi totoo pala... may problema nga alng kame... paano namen mapapapalit 'toh sa peso... huhuhu... sabi ni mama ipasok ko daw muna sa dollar account niya... nge! eh panu yun1 ipangoopen ko nga nga account sa metrobank! hehehe... bahala na... kapag nagawa ng pamilya ni jako, magagawa ko na din...
bukas na 'yung birthday ni ranilyn na overnight... hindi ko pa alam kung sino mga sasama pero si jako ata pupunta... sana si elein din... si kuya geff din ata punta... mamaya ko pa malalaman...
speaking of birthdays... birthday na ni Frances... today... siya yung crush ko sa section... wala lang... gagawan ko siya ng tula mamaya... hehehe... hindi ko pa siya ginigreet eh... hope i will come up with a good one... nakakahiya kasi kung hindi niya maapreciate... i decided na lang not to court her... i'm not worthy... kumusta naman yung grade ko kanina di ba? eh pano pa kung nanligaw ako... bahala na lang... ang galing niya talaga... talino ng batang yan... cute pa niya...
alam niyo bang tinanong kanina ni Charm si Frances kanian kung grinit ko na daw ba siya... si frances... sabi daw ni Frances with a smiling face na natatawa kay Charm... "hindi pa eh..." or something like that... hehehe... cute... :) ...
botohan na kanina... hehehe...
mga taga Beda High diyan! alam niyo ba na tumatakbo si Leomer!!! hehehe... Bus. Manager... ayun... siya lang binoto ko sa Party nila... hehehe... Unity tawag sa party nila... yung kalaban eh Kabataan... hehehe... wala lang...
naalala ko tuloy yung mga party namen nung tumakbo din ako bilang secretary nung High School... wahaha... tawag sa part namen... B-DAY Party... Tapos 'yung kalaban... Let's Party... Parang gago noh?! hehehe... :)
Ayun lang...
Sira ang DSL namen ngayon... haay... kaya nag tsa tsaga ako sa hinayupak na I-Lab na ito!
Gumawa nga pala ako ng group blog ng Tropang Walang Gawa... hehehe... Kaso hanggang ngayon ako pa din mag isa ang member... nakakainis! hehehe... si Ninyoh kasi mali eh! yung kuya niya yung na-add niya! bwahehehe! dalian niyo nga! hehehe...
Ayun lang... Kakain na ako... Kaninang umaga pa ako hindi kumakain eh... :)
practice mamaya sa cheer at chorale... nag over lap na naman... :) bahala na!

Thursday, July 27, 2006

i miss my diary...

I miss my diary...

This is the e-mail, ninyoh was talking about in the shoutbox:

Francis Sarmiento,


This email is to confirm that the American Board has received notification of your completed field test exam in "Physics". Your payment has been mailed to the address you provided to the American Board.


Abad Santos st., Industrial ValleySubdivision Tanong, 8Marikina City, 1802


If this address is not correct, please contact us immediately.Thank you for your assistance. The information you provided will help us ensure the quality of our future certification exams.

Regards,

Chad JonesAssessment Operations CoordinatorAmerican Board for Certification of Teacher Excellence1225 19th St., NW, Suite 400Washington, DC 20036(202) 263-8339

Yehey! So, it's actually true! My 100 dollars is coming! yehey! ang the remaining 75 dollars will be coming soon too... hahaha! sa mga skeptic dyan! ano kayo ngayon!?!?! 10 thousand din yun noh! huh!

Nakakapagod tong ginagawa ko ngayon! Naaalala ko tuloy yung sinabi ni Jesse Grepo one time at high school:

"Robot nga ako nung first year nung first two quarters eh. Glee Club ako tapos player pa ako."

Opo mga kaibigan, nag Glee Club po si Grepo... hehehe... Hindi ko nga siya nakilala nun eh... hahaha... Hindi ko man lang naramdaman na nasa iisang organization pala kame ni Jesse nung 1st year! Akalain mo yun! hehehe...

Eh ngayon, I feel exactly the same way... Cheerdancer ako... Hahaha! Sosyal! Baklang bakla! Pero kung alam niyo lang kung ano mga pinaggagagawa namin... Hindi mo na sasabihing bakla kame! Kanina lang, i had my first solo lady lift... Ang bigat grabe! Eh ang payat payat ko di ba?! kumusta naman yun! Ay grabe! ang bigat talaga! feeling ko hihiwalay yung clavicle ko sa sternum ko! (huh?! ano daw?!!?!magkadugtong ba yun!?!?!?! hahahaha!!!!)

ang sakit sa balikat promise! pero ok lang! saya! tapos na namin ang first two routines! at ang ganda ganda na! hehehe... siyempre hindi pa masyado sabay... pero maaayos din yan... kanina, bawat mali ten push ups sa boys, squatras sa girls... eh lageng may mali! so just imagine!

haay... sarap matulog na... kaso hindi! magbabasa pa ako ng anatomy! alam mo, ang mga blog ngayon, puro complaint na lang sa anatomy! ako hindi! mahal ko ang anatomy! kasi pasado ako! bwahahaha! pero hindi dapat maging kampante! kaya magbasa bago matulog! dalawang chapter lang naman na 50 pages each eh! sisiw!!!

love life? ...can't complain... marami akong inner issues about sa concern na yan pero ok naman ako... im happy...

ang huling frustration ko is yung singing contest na yan! nakakainis kasi hindi ako nakuha... hindi lang sa hindi ako nakuha... ganito kasi... ok lang si joma at daryll nakuha at hindi ako kasi marunong naman talaga sila kumanta... ang kaso, si don ( na cheermate ko din) eh nakuha, eh alam kong mas magaling ako sa kanya! by far!!! haay... pero alam ko na kung bat hindi ako pinag secong level... hindi ako nag stage prescence... eh 40 percent pala yun... malay mo zero nilagay nila dun at 40 kay don dahil may hands, eyes, ears nose and mouth gestures siyang ginawa... at may imaginary mic pa! nakakainis lang kasi alam kong maganda yung audition ko... at natuwa yung mga nag judge (batch officers). haay... ok lang yan... marami naman na akong activities eh... in fact, may concert nga ang chorale sa PCU this august eh... siguro sabi ni God tama naman na! hehehehe... ok God... thank you po!

masaya ako kasi nakapasok si Marie... Siya dapat ang duet partner ko eh... eh hindi na nga... pumasok din si Gift (booo!!! Marie! talunin mo yan! pakainin mo siya ng iyong breath taking voice quality! hehehehe! Marie, forever! Gift, never!!!! ). Siguro sa debut na lang ni Ivy kame mag du-duet... sana sa solo si Marie... Sana.... ayoko ng may ka duet siyang iba!!! AYOKO!!!! hahaha! seloso?!!?! hihihihihi....

speaking of debut... nag invite si ranilyn... overnight daw... august 4-5 or 5-6... basta ganun... swimming daw... masaya ito!

bukas, maguuwi na ako ng pusa na nalunod sa formalin! haay... kick back ito! hahaha! 430 per group pero ang hihingin ko 430 talaga! yahoo! may pang pnoxyl na naman ako! hehehe

maganda daw ang "sukob"! nood na guys!

ang tagal ko na hindi nagsusulat sa diary ko... haay... puro blog kasi eh... mas madali kasi mag type.. pero soon... wag ka tampo diary ko ha...

oh sige na, aral na ako!!!!

night!!!

i love my life!!!!

im loving my life right now!