Friday, August 17, 2007

sometimes love just ain't enough

it's a song...



wala lang... ginawa ko lang title to catch your attention... did i? well, kungg oo, bikitima ka! hehehe... sorry... wala talaga magawa...



it's been, what? 4 days na walang pasok? since wednesday, let me check (counts with fingers...) ...3 days pa lang pala... eh since wala din daw pasok bukas... so that makes it four... at sa normal na mga estudyante, hanggang monday pa sila walang pasok... at since hindi ako normal na estudyante at ako ay isang frustrated cheerdancer, hindi kame papayag na hindi kame magpapa practice sa sunday at monday... huh!



ang SNA days ay nalalpit na... August 31... opening day... it's a 3 day event... at sa 31 din ang cheering competition... we only have exactly 2 weeks to prepare...



Useless informtaion: natalo ang insignis last year... may kaguluhang nangyari... ang conclusion ay hindi malinaw ang pagkakatalo namin... may nalalaman pa kameng red ribbon red ribbon tied somewhere ain the body and wearing of white shirt as a silent protest... madrama ang batch namen...



ngayon, we would like to win... And win it big! (ano daw?!) hehehe... nakakahiya sa lahat kung matatalo kame... we have to win... i hope we win... kasi naman... isusumbat samen ng mga tao... kapag natalo kame... noong summer pa kame nag start mag practice... kumusta naman!? kung hindi ba naman kame masyadong excited mag cheer... di ba!? ibarra kasi eh! (nanisi!?) ...pero ok din... at least hindi kame masyaso gahol sa oras...



i'm doing the mix for our music... no, actually, ibarra did the mixing of the music... (ano to, recipe? minimix!?) i'm just putting some pampagulo na effects... nabababoy ko na nga ata siya eh.... bahala kayo diyan!



just one itsy bitsy problem... the software/program that i'm using (acoustica) will expire in two days... actually, 1 and a half days... so either ibarra tell me what to do NOW or someone help me hack the code for this program...



nakakainis pa tong pc namen... i dont really know if it's the pc or the broadband... tsempuhan ang pag connect sa internet... grrr...!



i miss blogging din pala... wala lang... (i'll be posting this entry on (in?) all my 3 blogs... adik ako eh...)



oo nga pala... ibarra signed me up for this photography contest... ibarra and i along with another yet unidentified indvidual will be representing the batch for the contest... tuturuan daw ako ni ibarra... he kind of studied photography... he owns this camera na pang professional... me, i just take pictures with my digicam... it's not even mie... it's my ate's



so 'yun lang... I constantly read Abdul's blog... 'yun na lang ata ang natatanging connection ko sa kanya... at ang paminsan minsang pag cha chat sa ym... he said he seldom writes in the JD (joint diary)... ok lang yun... he's busy... i guess.... at nakakatawa pa din siya mag sulat... sila ni pinggoy... hehe!



goodluck sa mga walang pasok hanggang monday! mabulok kayo sa inyong mga tahanan! :P

Saturday, June 02, 2007

Kumusta na kayo?

...iyan siguro ang sasabihin ng blog kong to kung nagsasalita siya...

Adik!?!?! June 2 na pala! Wahahaha! Sorry naman... (may magbabasa pa kaya nito?!)

So... Tapos na ang Summer... I survived... Barely... Per at least, 'di ba?

May mga ospital na kameng pagdyu dyutihan this coming Sem... Amang... VGH... St. Luke's... PGH... At ewan ewan... Basta madame... hehehe... Good lcuk... Sabi sa orientation... Isa sa mga requirements namen para maka graduate ay mag paanak ng at least 15 na mga buntis... So good luck sa mga paanakin ko... At ang sabi ni Dean... Ang dalawang susunod na taon ay magiging impyerno para sa amin... Parang Summer din daw... Mas mahaba nga lang... Woohoo!!!

Ang good news... Wala nang babagsak sa amen... Oh 'di ba!? Unless na lang siguro pumatay ka ng faculty or something... Whew!

Ang saya saya ko!

Pero may sakit ako...

'yun lang...

Wala pa ring love life... Just in case gusto niyong malaman...

Gusto ko na magka girlfriend... Just in case ule gusto niyo malaman...

Wala na kong maisip na isulat eh... Sorry... Tanong lang kayo sa ken... ok?

Tuesday, April 10, 2007

warning warning! hell on the way!!!

First day of summer clas...


Wala naman masyadong ginawa... Hehe... Orientation lang... AT may assignment na agad!!! Waah! Quiz daw bukas sa Nutrition at Health Care ata... Hindi naman siguro Pharma noh!!! Haller!?!?!?! Hay nako ah! ikamamatay na namen ang summer!!!


We had to buy our books na... And tatapusin namen and 2 makapal na libro plus ang Funda in 6 weeks... Hindi namen tatapusin ang Funda dahil kumusta naman yun di ba!?!?




My Godness... yan ang pharma at nutri book namen... kakabili lang kanina at piabalot kay ate inday (redundant pala ang "ate inday" kasi inday means ate in some language eh... But what the heck!)... Binili namen sa C&E kanina... sa Quezaon Ave... Walang tao... As opposed to the C&E located at Recto... Nuknukan ng haba sa pila! Kaya ayun... Medyo mas mura siya sa school... 1256 ang bili namen sa dalawang libro... 1400 siya sa school... haayz...
O cge na aral na!


Yuck! masusuka na ako sa sinasabi ko! Mag aaral!?!?! eeeewww!!!

Thursday, April 05, 2007

Doing thy share...

A few more minutes and I am off to Robinsons!
I'm going to meet Yna there... she asked me to call her at around 7:30 and it's 7:27... so 3 more minutes... We are just waiting for her son to be fetched by the Alcantaras and we are off! We'll meet at Robinson's Metro East... Sarado siya ngayon so malamang sa labas kame magkikita ... Kung bukasyung ministop, dun kame... Sana bukas... Bibili pa akong chicha...

And after we meet, we'll go to Nette's... Kakain ata kame ng dinner.. Prinitong Tilapia ata ang ulam namen mamaya... Yum!

And then we are off to Antipolo Church!!! This would be my third time... And Yna's first! Yey! Ayaw sumama ni Miko at Joyce... Reason? Tinatamad sila... Boo!

This will be fun... Kela Nette na kame matutulog... Not! Haha! Manonood kameng DVD! hahaha! Ang saya saya! Wala lang...

Ayan... 7:32 na... I'll copy pasting this entry to my other blogs pa... So...

Toodles!!!

Thursday, March 29, 2007

this day could be the happiest day of my life...

Today is my freakin' birthday!!! woohoo!!! i'm 18!!! Yey!
I don't really know what i'm so happy about... Maybe because i get to do a lot more things now that i am 18... Like what in particular? i don't know... maybe watch R18 things and go to bar without guilt anymore...
hay nako... i don't really know what to write
eh kasi naman may diary ako eh, di ba? pero i chose to write my first entry in my blog on my 18th birthday... woohoo! hail to blogger!
so... many things...
Ok... na kuha na namen, mga 2nd year nursing students, ang kaabang abang na envelop na naglalaman ng resulta kung mag sa summer ba kame sa trinity o hindi. take note: mag sa summer, hindi mag te third year... and i passed... wala lang... i passed lang... i think i just wrote that in such a way that it look so insignificant... but believe me, as a second year nursing student in trinity, its everything for us right now. And i did it. i passed...
Few friends wasn't able to qualify and it makes it so hard to completely feel happy about the result... many, in my circle of friends, passed but we feel very badly for those who did not...
what's done is done i guess... Tang inang Physics kasi yan oh! No, wait, hindi ang physics hundi yung prof!!! Fucker!!! Remember when i said i'd be really pissed kung magkaka Dos ako sa subject na yun? well guess what, i did!!! Fuck talaga! ...at ako na ang highest ah! nakakabad trip! 1.5 ako nung midterm (which is 1 point away from 1.25! 94 ako, 95 ang 1.25) at ngayon, dos ang final grade ko!?!? bad trip talaga. what makes it worst is that, she's the worst math related teacher I ever had!!!
Nang dahil sa kanya, ang dameng nawalan ng DL at ngayon, ang hindi mag te third year sa TUA ng dahil sa kanya! Feeling!?!?!?! eh hindi naman siya magaling magturo! in fact, ang bobo niya! shet!
im not saying her name dahil baka mangyari ang nangyari last time... i've learned from my mistake. huh! ...but the class is making her explain for the money she took from us! tang ina niya ah! bobo na nga siya mukahang pera pa! shet!!!
OK...
Remember... Birthday ko ngayon... :) ...hehehe... i'm suppose to be happy... and i am... im happy cursing that stupid, dumb, ugly woman... hahaha!
ok...
Thank you for everyone who i obliged to greet me! hehehe.... thank you really... Special thanks to Ramon Christian M. Lim who managed to greet me even with all those hatred he have for me... thank you, and i really am sorry for the wrong things i have done... but thank you... and belated happy birthday!
mamaya maya... mag su swimming ang trinity barkada... ang saya... basta... ang saya... for sure countless pictures na naman toh... hehehe... kaya yan... mag sa saya kame sa kabila ng lahat.... hehehe...
ok?
salamat sa lahat!
u'l be reading this entry in all my blogs! hahaha! and this will happen with all my other entries from now on! hehehe! FUN!!!
Happy Birthday to me!!! :)

Saturday, February 03, 2007

Para kay Ate Luisa...

Dahil sa sobrang talaga namang nag umeffort pa si Ate Luisa sa pag te text sa ken kung ano nangyayari sa aken at hindi na ako nag a update sa blog ko... Eh eto ako ngayon... After more than a month! Woohoo!!! I'm blogging again... Froi and Abdul are looking for an update too... kaya naman eto na ang inyong pinakaasam asam! (feeling ko naman?!)

I've been busy... And tired... Or lazy... Kaya wala akong mga updates... But I am keeping a planner naman eh... From Go Nuts... I don't have the money to get all those stumps for that starbucks planner eh... maybe next year... Kontento naman ako sa aking Go Nuts Disorganizer eh... That is what it is called... Saya noh? Wala lang... And mind you, I am very very very dedicated to it... I mean I try to write everything that is happening every single day... And it is so much fun... Ang saya... So write now, what i have is a joint diaryt with yna and ahlly, a joint diary with abdul, my disorganizer, and of course, this blog... I am well documented... As if naman kailangan...

So what do we have? ...ok... if froilan is going wild about his la salle thing, i am going nuts with my Nursing thing too... I'm almost sure I'll need a new school next Sem too... The only problem is that I don't really have any idea what school... All the remaining (or almost all) decent Nursing Colleges are either very pricey or not accepting transferees (?)... (and finding those school that are not included in the almost all would be like looking for a grain of sand in a sack of... uhm... more sand!)

So bale... Bahala na... My Micro is going so badly and yet I'm aceing my other subjects... It makes me feel guilty to write this (because of Froi) but I'll really feel bad if I will receive a grade lower than 1.5 in Physics. Screw Health Care and SHE! Then feed Micro to the dogs! Haay josko! I quote Pinggoy: "Nakakabongkang!!!"

The week that just ended is Trinity's 44th (ata?) Foundation Day... Sinabay din nila ang Intrams kung saan kasali ang bawat College ng Trinity pati ang Basic Education (high school)... Yung mga varsity ng high school ang lumalaban sa mga college... cool, huh? ...at kanina, naganap ang championship sa basketball... It was monumental!!! Promise!!! ... Ang magkalaban... Nursing (na walang katalo talo) at High School... Mahigpit sobra ang laban pero hindi lumamang kahit minsan ang High School... Yung ibang Nursing sa High School na nag chi cheer (pati kame nila Nette at Miko... hehehe... sorry pala...) So ayun nga... and then... 4th Qurater... Lamang ng isa ang Nursing... Bola ng Nursing... Remaining time? 1.90 seconds... take note: SECONDS!!! ...so bola nga ng nursing... isa lang ang lamang nila... Hawak ni San Jose ang bola... Pagkapasok... Na intercept (?)! Tumira ang nakaagaw... Pasok!!!!! Panalo ang High School!!!!!! Woohoo!!!!

Grabe talaga! Ang galing!!! Umiyak si Mike Lao... Siya yung nagiisang second year na nakakasabay sa Nursing na lumalaban eh... At feeling ko, siya pa ang posibleng maging MVP... Along with San Jose... Na crush ni Nette... Na hindi na dahil na turn off... Kawawa naman si Lao... Kasi yun na ata yung huling laro niya sa Nursing... Kaklase siya nila Miko at ayon sa kanila... Drinap na niya lahat ng klase niya at speech na lang ang pinapasukan... So obviously, hindi na siya mag te-third year sa Nursing... haay....

Anyway... Wala lang...

Actually, kasi, kakauwi ko lang galing kela Miko... Nag practice kame ng Parenteral... Ok... Nag turukan kame ng syringe sa isa't isa... Ok... Nag injection-an kame! ... Ayun... Wala lang... hindi ko pa din nata try mag Subcutaneous... Puro Intradermal at Intramuscular pa lang ang nagagawa ko... Masakit ang IM ah! Grabe!

Sa Monday na ang Return Demo namen... Hay nako naman... Haay...

Madame nangyari sa buhay ko sa nakalipas na mahigit isang buwan... Hindi ko na naikwento ang aking mga kalokohan kay Pam... At pasensiya po, wala na akong balak pa siyang i kwento... At kanina lang... Napag alaman ko na may onting selos pa din akong nadadama pag napaguusapan si... kilala niyo naman na siguro, di ba?... Nag iiba ang presyon ng dugo ko pag siya na ang topic eh... Siya pa din siguro kasi talaga.... Mahirap ito... Grabe! lalake na lang kasi!!!! Sino ba kasi pwede! Takte!!! Yung gwapo ah! haay...

Anyway... Wala lang... Masaya ang block ko ngayong Sem... I think i oght to say that before this Sem ends... New friends na naman... Siyempre naging barkada namen si Alex... Heartthrob yu eh... Crush ng halos lahat! Hehe... I quote Yna: "Meron kasing something mysterious..."

So ayun... Ano, updated na ba kayo? ... hehehe... Meron ba kayong nais malaman? Mga agam agam diyan? tanong lang... Hehehehe... Ayun na!

Grabe din yung last post ko noh? December 22 pa ata? Tama ba? Grabe! Mag be-birthday na si Kath... (Blood pressure rises....) ... February 5... Ano, regalo na naman? Wala naman na kasing mangyayari... Card na lang siguro... O kaya bati na lang... pede na siguro yun... Tingin niyo? Ayaw naman sa ken eh! Eh kaso debut na eh... TSE! Si Jako na bahala dun! Prinsesa niya naman yun eh!

Tapos meron pang Valentine's Day... Haay nako buhay...

Ay oo nga pala! Tanggal kame sa Chorale! Si Kit na presidente ng chorale... si Jako na Auditor... Si Nette na treasurer... at Ako na PRO... at marami pang iba...

Ganito kasi yun... Midterms sa Anatomy... Tumanggap si Ma'am ng kanta... At pinapakanta kame... Siyempre, Micro kaya yun?! eh 'di hindi kame kumanta! May choice naman kasi kame... Kakanta kame, hindi mag mi midterms... Ang grade namen for midterms ay pareho ng grade namen sa Grand Finals... O kaya, hindi kami kakanta at matatanggal sa chorale... mag mi midterms kame soyempre... Pinili naming huwag na lang kumanta...

Ganito kasi yun... Ang Grand Finals, cover to cover ng Micro book namen na pagka kapal kapal! Jusko! Eh yung Isang chapter nga hindi ko na maipasa, yung cover to cover pa kaya?!? ...Mahirap ipasa ang Grand Finals... So... Nag text ako kay Justine... Sabi ko... Ok lang na matanggal kame sa Chorale kesa naman sa matanggal kame sa Nursing... Tama naman 'di ba? Ang sinasabi ko lang dun, KUNG papipiliin, chorale o Nursing, siyempre, sa Nursing ako kasi yun naman ang pinunta ko sa Trinity in the first place 'di ba? Malay ko ba na may Chorale sa Trinity... Ni hindi ko nga alam na may Trnity pala bago ako pumasok eh! ... At ito namang si Justine, pinabasa pa kay Ma'am! Hay nako talga... Hindi naman ako galit sa kanya... Ok lang... hidni niya naman alam eh na ganon eh...

Sayang lang kasi... Yung mga effort namen... Yung mag pa practice kame kahit na may Unit exam kinabukasan... Tapos yung pagod namen na hindi na kame makakapag aral pag kauwi... Tapos meron pa kameng binabayaran na 10 pesos per week para sa kung anu mang magiging project namen... Sayang yung mga ganun... Nakakalungkot lang... Dahil lang sa isang kanta namen... Na kasalanan naman nila eh... Haay... Bahala na...

Ok... ayan na lang muna... hindi pa ko nagbibihis at naghihilamos eh... 10:45 na... ok? go na!